^

Dr. Love

Na-late na naman

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Banned ako ngayon sa bahay ng gf ko. Hindi ko naman sinadya na ma-late na naman kami ng uwi.

Nagpaalam ako na magsisimba at kakain lang kami sa isang fastfood dahil nga anniversary namin.

Nagkataon na mainit ang ulo ng papa ng gf ko. Maayos namang pumayag ang mama niya. ‘Yun lang, kabilin bilinan na umuwi kami ng mas maaga para hindi siya hanapin ng kanyang papa.

Ilang beses na kasi akong pumalya. Itong last, talagang nasermonan ako ng papa niya. Umuwi kami ng almost 12am na.

Hindi ko naman sinasadya na magkaaberya. Nasagi ang kotseng gamit ko kaya nagtagal kami. Nagkapulisan pa at nabalita pa kami sa TV.

Lasing ang driver ng tricycle na bumangga sa amin. Hindi naman ganun kalala pero saktong may traffic enforcer na nagpunta sa amin at nagtawag na ng pulis. Ako na nga ang umaareglo pero sabi ng traffic enforcer, dapat managot ang lasing na driver. Kaya kinuhaan pa kami ng statements at picture ng kotse. Mabuti nga at hindi matindi ang nangyari. Kung matindi, eh lalong lagot ako.

Kaya galit na galit ang papa niya nang makita niya sa TV ang pangyayari, nag-alala siya ng husto.

Hayun, hindi ko alam kung papayagan pa niya kaming magkita sa kabila ng nangyari.

Hanggang dito na lamang po. Sana po mapayuhan ninyo ako para mawala ang pangamba kong magkahiwalay kami dahil lang doon.

Gab

Dear Gab,

Salamat naman at hindi malala ang pagkakabangga sa inyo. Kung nagkataon, mas malaking problema ang haharapin mo sa mga magulang ng iyong gf. Pasalamat ka, dahil nakauwi kayo ng maayos.

Huwag kang masyadong mag-alala. Ang gf mo na ang bahalang magpaliwanag sa mga magulang niya na hindi mo namang kagustuhan ang nangyari.

Palipasin mo muna ang galit ng papa niya. Magugulat ka na lang, ipatatawag ka nun at kakausapin kung ano talaga ang buong nangyari.

Ganoon naman ang mga magulang, syempre gusto naming nasa maayos na kalagayan ang aming mga anak lalo na kung babae.

Sige, huwag kang mawalan ng pag-asa. Basta’t buo ang pagmamahalan ninyo kahit anong pagsubok ay malalagpasan ninyo. Stay calm and don’t worry.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with