^

Dr. Love

Selos, agad-agad!

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Rowena, lagi po akong nagbabasa ng column ninyo. Medyo madrama lang po ang ibabahagi ko.

Ang boyfriend ko ay mabilis magtampo, magalit at magselos. Kapag nag-chat siya o nag-video call dapat sasagutin ko agad. Lagi kaming nag-aaway kapag hindi ko agad nasagot ang tawag niya.

Minsan, sinabihan ko siya na mas mahigpit pa siya sa parents ko. Hindi ko naman siya masisisi, alam kong may pinagdaanan siyang matindi kaya nga naging kami.

Broken hearted siya nang kami ay magka-kilala. Nagtiwala siya, nagmahal pero sinaktan ng ex niya. Kaya eto, ako ngayon ang sumalo ng lagi niyang pagdududa na baka gawin ko rin ang ginawa sa kanya ng kanyang ex.

Pinangako ko naman sa kanya na mamahalin ko siya at tatanggapin ko ang kanyang buong pagkatao. Kahit ang mga kahinaan niya.

Mag-iisang taon na kami, malapit na ang aming anniversary. Happy ako kahit may mga drama kami sa buhay. Sa totoo lang, kahit may mas gwapo at makisig pa sa kanya, hinding hindi ko siya ipagpapalit. Nahulog na ang loob ko, magselos pa siya ng magselos.

Rowena

Dear Rowena,

Thank you sa ibinahagi mo. Ganyan lang naman kapag magjowa pa lang kayo. Pero habang tumatagal ay mare-realize rin niya na iba ka kaysa sa ex niya.

Maganda nga at ikaw ang naging gf niya. Kung napunta na naman siya sa maling girl, problema uli ‘yan. Hindi naman nawawala ang selos o pagduda, ang mahalaga ay hindi mawala ang tiwala at katapatan ninyo sa isa’t isa.

DR. LOVE

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with