^

Dr. Love

Inanakan ang teacher

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa inyo. Tawagin n’yo na lamang akong Rex, 19 anyos. Mayroon akong teacher sa senior high. Tawagin mo na lang siyang Ms. M.

Dahil hindi naman kalayuan sa aming bahay ang tahanan niya, palagi ko siyang inihahatid dahil walking distance lang naman mula sa aming paaralan.

Okay lang sa kanya ‘yun. Madalas, sinasabi ko sa kanya ang mga problema ko at ganun din siya. Ang asawa raw niya ay feeling insecure dahil hindi siya mabigyan ng anak sa loob ng apat na taon ng kanilang pagsasama dahil ito ay baog. Sabi raw ng mister niya, papayag siya na maanakan ng ibang lalaki.

Minsan, pinapasok niya ako sa bahay nila at tinanong kung payag daw ba akong bigyan siya ng anak. 17-anyos lang ako noon at hindi ko alam ang isasagot ko. Aniya, nagkasundo silang mag-asawa na bayaran ako ng Php 50 thousand kung mabibigyan ko sila ng anak.  Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko kaya bago kami magkahiwalay ay sinabi niyang pag-isipan kong mabuti.

Crush ko talaga si ma’am at may mga pagkaka-taong pinagpapantasyahan ko siya kaya pumayag ako. Pero sabi ko sa kanya, mahal ko siya at hindi niya ako kailangang bayaran.

Ilang beses din kaming nagtalik at sinasadya ng mister niya na umuuwi ng atrasado para may oras kami sa isa’t isa. At nagdalang-tao si ma’am at nagsilang. Tinanggap ko rin ang kabayaran dahil nagkataong nagkasakit ng malubha ang mama ko.

Dalawang taong gulang na ang aking anak na lalaki sa aking guro pero iniiwasan na ako ni ma’am. Ayaw niyang mapalapit ako sa aming anak. May karapatan ba akong maghabol?

Rex

Dear Rex,

The fact na binayaran ka ng malaking halaga ay wala ka ng karapatang maghabol ng custody sa anak mo. Pareho kayong mali ng teacher mo nang kayo ay magsiping sa hangad niyang magkaanak. Pero  kayo ay nagtalik hindi dahil gusto ka niya, kundi ibig lang niyang magkaroon silang mag-asawa ng isang anak.

Para sa akin, huwag mo nang guluhin ang kanilang pamilya dahil gagawa ka lang ng eskandalo kapag nabunyag ang katotohanan na maaaring maging dahilan ng pagkaalis sa trabaho ng iyong guro. Kawawa naman siya. Dahil 17 ka lang nang mga panahong yaon, puwede siyang kasuhan ng corruption of minor.

Isipin mo na lang na nagawan mo ng pabor ang mag-asawang walang anak para lumigaya at makabuo ng kumpletong pamilya. Mali man ang paraan, huwag mo nang dagdagan ng isa pang pagkakamali.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with