^

Dr. Love

Adan na ala Eba, Eba na ala Adan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko ini-expect na pati ang mga dalawang anak namin ay matutulad sa ibang pamilya. ‘Yung panganay kong babae, lalaki kung kumilos. Tapos ang lalaki naman ay babae kung kumilos.

Pinagdasal ko naman na bigyan lang ako ni Lord ng dalawang anak, isang lalaki at babae. Tinupad naman niya kaso nagkabaligtad yata.

Hindi ko na sila pinagbawalan kung ano ang gusto nila. Napansin ko lang na kapag naglalaro silang dalawa ay lagi silang nag-aayaw kung kanino ang laruang panlalaki at ang pang babae.

Hanggang sa magsilakihan sila, nag-aaway sila dahil ayaw magpakalalaki ng bunso ko. Para magkasundo sila, dahil daig pa siya ng panganay kong babae, siya ang gumagawa ng panlalaking gawain. Nagkukumpuni ng aming bahay at nag-iigib.

Ang bunso ko naman ay sobrang lambot, panay ang nood ng Ms. Universe. Gusto niya na manalo kahit Ms. Earth para makatulong sa mga mahihirap.

Nagtiyaga kami ng misis ko. Madalas nga ako ang inaaway ni misis dahil sa nangyari sa kanila. Masisipag naman ang mga anak ko kaso laman sila ng tuksuhan dahil nga sa nagkabaligtad ang mga kilos nila.

Pati nga ako ay nadadamay, asar-talo ako sa mga bayaw at mga kumpare ko. Pero tanggap ko naman ang aking mga anak. Sinasabihan ko naman sila na maging maingat at maging magalang sa pakikitungo sa iba. ‘Yun lamang po at maraming salamat po sa oras ninyo.

Tatay Jackson

Dear Tatay Jackson,

Maraming salamat sa inyong ibinahagi. Marami ring ganyan ang sitwasyon sa pamilya. Ang naka-lulungkot may mga magulang pa rin ang hindi matanggap ang kanilang mga anak na LGBT.

Sa una, mahirap unawain lalo na kung inaasam ninyo na maging maayos ang kanilang kinabukasan. Pero kung mga mababait at magalang ang inyong mga anak ay wala naman kayong dapat ikatakot dahil tanggap na ng ating lipunan ang mga tulad nila, hindi tulad ng panahon natin.

Gayun pa man, huwag ka tumigil na hingin ang grasya ng Diyos sa taimtim na panalangin para mapagtanto ng iyong mga anak ang orihinal na kaloob niya para sa kanila.

DR. LOVE

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with