^

Dr. Love

Batugang asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Noon pang araw ay pinagsasabihan ako ng aking mga magulang at kapatid na wala akong mapapalang maganda sa boyfriend kong si Cris. Hindi siya nakatapos ng high school, umaasa lang sa magulang at ayaw maghanapbuhay.

Pero nagmamahalan kami. Nakapagtapos ako ng BS Elementary Education at isang public school teacher. Sabi ng boyfriend ko, kapag kasal na kami ay doon siya maghahanap ng trabaho. Pinaniwalaan ko naman siya at kahit tutol ang mga magulang ko ay nagpakasal kami.

Kahit nga mismong biyenan ko ay binalaan ako na tamad at walang alam na trabaho ang aking mapapangasawa. Pero sabi nga, bulag ang pag-ibig at nangingibabaw palagi ang damdamin.

Umupa kami ng kuwartong matutuluyan at ako ang nagbabayad ng dalawang libong piso isang buwan. Mahigit one year na kaming kasal ni Cris pero hindi siya gumagalaw para humanap ng trabaho. Siya naman daw ang nagluluto at naglalaba.

Napilitan tuloy akong mag-sideline at pinasok ang networking na nagbebenta ng beauty products. Buntis ako ngayon at nangangambang hindi ko na makakayanan ang gastusin kung mananatili ang masamang attitude ng aking mister. Ano ang dapat kong gawin?

Alena 

Dear Alena,

Hindi lang tamad ang asawa mo, kundi batugan. Binaliktad niya ang situwasyon. Siya ang umako sa gawain ng babae at ipinaubaya sa iyo ang paghahanapbuhay na siya ang dapat gumawa.

Mag-usap kayo at ilahad mo sa kanya ang situwasyon. Manganganak ka at kung darating ang oras na ‘yon ay hindi ka muna makakapagtrabaho. Paano na kayo at ang magiging anak ninyo?

Tahasan mong sabihin na gampanan niya ang kanyang tungkulin bilang ama ng tahanan. Huwag siyang maging mapili sa trabaho. Kahit messenger o janitor ay pasukan niya para maitawid niya ang kanyang pamilya sa lahat ng pangangailangan.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with