^

Dr. Love

Nagbago ng ugali ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Lulu, isang single parent. Naging single parent ako dahil sarili ko itong kagustuhan. Ayaw kong mag-asawa at ayaw ko ring tumanda na walang makakasamang anak sa aking buhay.

Kaya nagdesisyon akong magpabuntis na lang sa aking boyfriend na may asawa. Nangako ako sa ama ng aking anak na hindi ko siya oobligahing sustentuhan ang aking magiging anak. Ngayon ay wala na kaming komunikasyon ng ama ng aking anak na balita ko ay nag-migrate na sa Amerika.

18-years old na ang anak ko at pariwara ang ugali. Lulong sa barkada at ayaw mag-aral. Minsan ay hinuli siya dahil nagmomotor na walang lisensya. Nakiusap lang ako sa mga pulis na patawarin na siya. Hindi siya dating ganoon.

Mula elementary hanggang first year high school ay honor student siya. Nagbago lang ang ugali niya mula nang mabarkada siya sa mga katropa niya sa aming subdivision. 

Pabalangbalang kung sagutin niya ako sa tuwing siya ay pinangangaralan ko. Akala ko ay masuwerte ako sa kanya dahil matalino siya, isang katangiang nawala nang siya ay magbinata.

Ano ang gagawin ko?

Lulu

Dear Lulu,

Nilikha ng Diyos ang pamilya at binubuo ng may ama, ina at mga anak.

Mahalaga na may father figure sa isang pamilya na siyang dumidisplina sa anak at gumagawa ng mga major decisions sa tahanan katuwang ng ina.

Palagay ko, may pagrerebelde sa puso ng anak mo dahil naiingit siya sa iba na may ina at ama. Sa kaso mo, hindi na mababago ang iyong situwasyon dahil kagustuhan mo na huwag mag-asawa kundi maging single parent na lamang.

May sarili ng mundo ang iyong anak sa kanyang edad ngayon, kaya mahirap ng baguhin ang ugali. Ipanalangin mo na lang siya sa Panginoon at busugin sa mga pangaral na gawin mo sa madiplomasyang paraan.

Dr. Love

vuukle comment

ATTITUDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with