^

Dr. Love

‘Di matanggihan ang ex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang ninyo akong Jerrold. Hindi ako ang dapat sisihin, ang gf ko. Sinabihan ko na siyang huwag niya akong iwan dahil mahal ko siya. Pinagpalit niya ako sa iba.

Ngayong nag-away na sila, gusto niyang magbalikan kami. Pero hindi pwede dahil may gusto na akong iba. May nililigawan na ako at nahuhulog na ang aming kalooban sa isa’t isa.

Pero tinutukso-tuksok niya ang puso ko. Tuloy parang nababaling na naman ang isip ko sa kanya. Inaaya na naman ako na mag-date. Kaso alam ko na ang kasunod nun. Pagbibigyan ko na naman ang gusto niya.

Ayaw ko na, pero lapit pa siya nang lapit. Ayaw kong maging panakip-butas lang sa away nilang dalawa. Gusto ko na ring mag-iba ng landas na may ibang kasama.

Ano ang gagawin ko, Doc. Love? Parang hindi ko kayang tanggihan kapag siya na ang nagre-request.

Sana matulungan mo ako. Tapos na kami at ayokong mangyaring iwanan niya akong muli.

Jerrold

Dear Jerrold,

May tanong ako sa iyo, mahal mo pa ba ang ex mo? Kasi kung may na-raramdaman ka pa sa kanya, bakit kailangang pigilan mo ang iyong sarili para mapalapit sa kanya.

Be yourself and be true to her.

Kung nag-aala-ngan kang iwanan ka niyang muli, pwede naman ninyong pag-usapan na wala ng iwanan.

Ikaw na ang nagsabi na hindi mo siya matanggihan, na ang ibig sabihin ay mahal mo pa siya, tama ba?

Let all things be clear sa inyong dalawa. Isama mo na ang pag-aagam-agam mo.

Ikaw pa rin ang makakasagot kung gusto mong ituloy ang inyong relasyon o ituloy mo ang panliligaw sa iba.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with