^

Dr. Love

Nagsisisi, nanghihinayang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Rafi tubong Bicol. Gusto ko lang ibahagi ang nangyari sa aking ama. Masakit at hindi ko matanggap ang kanyang kamatayan.

Wala akong kaalam-alam kung ano talaga ang kinamatay ng tatay ko, dahil inabutan ko siya sa ICU na nakadilat ang mga mata pero humihinga pa.

Tinaningan daw siya ng doktor na 24 hours sa utak at 72 hours sa puso. Nang gabing iyon, bisperas ng birthday ko. Hawak ko ang kamay ng tatay ko at puno ako ng pagsisisi.  Bakit hindi mo ako hihintay, Itay? Bulong ko sa sarili.

Ang akala ko magiging maayos na ang kalagayan ni Itay pero noong hapon sa ospital, abala ang ate kong magtimpla ng kape ni itay. Pumunta siya sa cr para banlawan ang basong gagamitin. Malakas pa si itay nun. Ang nangyari, nahulog ang tatay ko sa kama dahil may inaabot siya.

Malakas ang kalabog at tumama ang ulo ng tatay ko sa semento sa lapag. Ayun! naapek-tuhan ang ulo niya sa pagkakahulog. Galit na galit ako sa ate ko dahil sa kanyang kapaba-yaan ay nangyari kay itay.

Ang ikinalulungkot ko ay bakit hindi ko agad ito nalaman at kung bakit nangyari ito nang wala ako. Sayang! Ang laking panghihina-yang... sana’y naglalaan ako ng oras para sa kanya...sana ako na ang nagbantay sa kanya baka hindi pa nangyari iyon kay itay.

Ang hamak kong itay napabayaan habang nabubuhay at napabayaan hanggang bago mamatay.

Rafi

Dear Rafi,

Alam mo minsan dapat tayong matutong tumanggap ng katotohanan. Kung anuman ang iyong pagkukulang sa iyong itay ay hindi mo na maaaring gawin pa sa kanya. Huwag mo nang masyadong sisihin ang iyong sarili dahil hindi mo naligtas ang iyong ama.

Ipasa-Diyos mo na ang kanyang kaluluwa. Patahimikin mo na siya at ang iyong kalooban. Isipin mo na iyon ang kalooban ng Diyos sa kanya. Kahit sino o ano pa ang situwasyon ng ating buhay, kung oras mo na, ay oras mo na.

Mayroon nga natutulog lang hindi na nagising. Ipagdasal mo ang kaluluwa ng iyong ama at matuto ka na sa pagwawalambahala mo sa iyong mahal sa buhay.

DR. LOVE

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with