^

Dr. Love

Binabantaan ng kalaguyo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tony na lang ang itawag mo sa akin, 37 anyos, may asawa, isang anak at isang kalaguyo. Mula nang pumasok ako sa bawal na relasyon ay nagkamalasmalas ang buhay ko. 

Una, natanggal ako sa trabaho. Kahit nakakuha uli ako ng bagong trabaho, halos kalahati lang ng dati kong suweldo ang tinatanggap ko ngayon. Pangalawa, nagkaroon ng malubhang sakit ang aking kaisa-isang anak. Salamat sa Diyos dahil gumaling din siya.

Alam ng misis ko na nagloloko ako at iyan ang dahilan ng aming pag-aaway dahil ayaw kong aminin. Dalawang taon na kami ng aking babae at napagtanto ko na marahil, pinarurusahan ako ng Panginoon sa mga kasalanan ko.

Dahil dito ay nakikipagkalas na ako sa aking kalaguyo pero ayaw niya kaming magkahiwalay. Mag-eeskandalo daw siya kapag iniwanan ko siya. Sabi niya, magpapabuntis siya sa ibang lalaki at kapag malaki na ang kanyang tiyan ay iiskandaluhin niya ako sa harap mismo ng aking asawa.

Gerera ang kalaguyo ko ay alam kong tototohanin niya ‘yun. Ano ang mabuti kong gawin?

Tony

Dear Tony,

Ang magagawa mo ay humingi ka ng tawad sa misis mo at aminin ang totoo. Tiyakin mo lang na hindi ka na uulit sa ginawa mong kasalanan.

Talagang ang pagpasok sa bawal na relasyon ay magdudulot ng kamalasan sa mabuting relasyon ng mag-asawa.

Kasi, walang lihim na hindi mabubunyag kahit na ito ay ipa-katagutago man.

Huwag mo nang hayaan na ang pa-nandaliang kasiyahan ng katawang lupa ay makawasak sa iyong pamilya dahil mayroon kang anak na lubhang maaapektuhan.

Kahit pa ipangalandakan ng kalaguyo mo na binuntis mo siya, kung alam ng asawa mo ang banta niya ay hindi na paniniwalaan.

Kung sakaling ihabla ka niya at hu-mingi ng sustento sa kanyang anak, may DNA test na puwede mong asahan para pasinungalingan ang kanyang ipangangalandakan.

Dr. Love

vuukle comment

RELATIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with