^

Dr. Love

Moody si Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Severino, 50 years old at ang misis kong si Anne ay 47 years old na.

Sumulat ako sa inyo dahil sa napansin ko ang malaking pagbabago sa ugali ng aking asawa. Nagtataka ako, dumadalas ang kanyang pagiging masungit. Hindi siya dating ganon.

Tinatanong ko naman siya kung may nagawa akong nakairita o nakagalit sa kanya at ang sagot lang niya sa akin ay huwag ko siyang pansinin.

Dr. Love, hindi naman siya naglilihi dahil menopause na siya. Siya nga pala, may tatlo kaming anak na malalaki na.

Dati rati, magiliw kami at very sweet sa isa’t isa.

Marami nga kaming kaibigan na hanga at naiinggit sa aming relasyon. Pero nitong nakalipas na ilang buwan, kapunapuna ang kanyang pagbabago. Minsan malambing siya, minsan ay masungit. Sobra ang kanyang mood swing.

Minsan nga ay nasigawan ko siya dahil nainis na rin ako. Ano ang dapat kong gawin?

Severino

Dear Severino,

Normal sa kababaihan ang dumaranas ng pagiging masungit kapag tumigil ang regla at naging menopause.

Tama ka, parang naglilihi ang ugali at mahirap ispelengin.

Unawain mo na lang siya at huwag patulan kapag may sumpong siya. Nangyayari iyan usually sa unang yugto ng pagiging menopause.

Pero sa paglipas ng panahon ay nawawala din iyan.

Huwag mong isipin na ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon.

Halos lahat ng kababaihan ay dinaranas ang ganyang situwasyon.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with