^

Dr. Love

Pinagnanasaan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa ako na nasa mabuti kang kalusugan sa pagtanggap mo sa aking liham. Tawagin mo na lang akong Lorenza, 32 anyos at isang mananahi. Hindi ko alam kung bakit wala akong hilig makipagligawan kaya dalaga pa ako hanggang sa ngayon.

Ang problema ko ay ang bayaw kong live-in partner ng nakababata kong kapatid. Limang buwan pa lang silang nagsasama at nakapisan sa aming bahay na dati’y kaming dalawa lang magkapatid ang nakatira. Dalawa lang kaming anak ng aming mga magulang na parehong wala na.

Manyakis ang bayaw ko. Madalas, habang naglilinis ako ng bahay, nakatitig siya sa akin at nakapamulsa pero halatang hawak ang kanyang pagkalalaki. Sinumbong ko na siya sa bunso kong kapatid pero ang sabi’y magpasensya na lang ako.

Pero hindi na ako nakatiis nang minsan namalengke ang kapatid ko at tinanong ako ng bayaw ko kung bakit ‘di pa ako nag-aasawa. Masarap daw ang makipagromansa at kung anu-anong kabastusan ang pinagsasabi.

Hindi ko siya pinapansin pero nang lumapit siya sa akin at hinimas-himas ako sa puwitan, hinataw ko siya ng bote ng patis sa ulo.

Pagdating ng kapatid ko ay nalaman niya ang lahat at siya pa ang galit. Mahal ko ang kapatid ko pero hindi ba dapat na silang bumukod? Sabi niya, bahay din niya ang tinitirhan namin at kung gusto ko ay ako raw ang umalis.

Ano ang gagawin ko?

Lorenza

Dear Lorenza,

Igiit mo ang pagkapanganay mo. Hindi naman niya asawa ang kinakasama niya kung tutuusin, kaya walang karapatan ang lalaki na makipisan sa inyong tahanan. Kung nais niya, humanap sila ng matitirhan.

Mukhang nahihibang na ang kapatid mo sa pagkampi sa lalaking iyan. Hindi mo nasabi kung may trabaho ang kinakasama niya. Kung wala at palamunin mo lang siya, palayasin mo.

Nanganganib ka kapag nanatiling nakatira sa bahay ninyo ang lalaki na matindi ang pagnanasa sa iyo. Ang nangyaring insidente ay i-report mo sa barangay para mapigil ang ano mang masamang tangka niya sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with