^

Dr. Love

Online Relationship

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Avid fan po ninyo ako Dr. Love. Marami na po akong nabasa na kinapulutan ko ng aral. Ako po si Lennard ng Taguig. Nagka-girlfreind nga ako kaso online lang. Nakilala ko siya kaka-search ng mga site na pwedeng maka-meet ng babae. Noong una, ilag ako kasi baka lokohan lang ang online relationship.

Sinabihan na nga ako ng kapatid kong babae na tigilan ko na nga raw baka lokohin lang ako ng makikilala ko.

Hindi ako nakinig sa kanya. Tuloy pa rin ako sa pag-search. Hanggang may nakita ako na halos mga Pilipino lang ang mga nagse-search sa site na iyon. Hindi ko na sasabihin para may trill sa iba.

Mula sa letter A-Z sana ang gagawin ko pero napakaraming nakahilerang babae na gustong makipagkilala.  Kaya nag-decide na lang akong pumili ng kakaibang pangalan, ‘yun talagang Pilipina ang dating…Liwanag.

Biruin po ninyo may Liwanag akong na-search at sakto sa kutob ko ang itsura niya. Hoping ako na magkakilala kami. Kaya sinubukan kong i-chat siya.

Sa una, nagkakabolahan pa kami. Kaso ng may mabanggit akong mahilig ako sa music ay sakto dahil hilig din niya ‘yun. Kaya naging madalas ang aming tsikahan online. Then I reveal my real self at ganun din siya.

Kakatuwa, magpo-four months na kami. Enjoy naman kasi, everything seems to be fine kaso may gusto sana akong mangyari ,na personal na kaming magkita. Pero parang ayaw pa niya dahil baka raw hindi ako magandahan sa kanya sa personal. Hindi ko po alam kung talagang seryoso siya pagiging kami o baka talagang hanggang online na lang kami?

Lennard

Dear Lennard,

Huwag kang masyadong mag-alala kung ayaw pa ng girl na mag-meet kayo. Una, talagang delikado pa. Pangalawa, baka talagang hindi pa siya ready sa relationship na alam na ng lahat. Pangatlo, baka tulad mo nag-aalala siya baka lolokohin mo lang siya.

Kaya mabuti na hayaan mong siya na ang mag-aya sa iyo na puntahan mo siya sa kanilang bahay o magkita kayo. Mahirap kasi kung ipipilit mo lang ang gusto mo.

Mainam naman kung patuloy pa rin kayong nagkaka-chat. So simple lang ang gawin mo, iturin mo siyang parang isang matalik na kaibigan at hayaan mong mapatunayan  niyang mahal mo siya talaga.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with