^

Dr. Love

Tinutukso ng dating boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mapagpalang araw sa iyo at hangad ko na nasa mabuti kang kalagayan sa pagtunghay mo sa aking sulat. Lerma na lang ang itawag mo sa akin, isang taon nang may asawa at wala pang anak.

Nagkalayo kami ng dati kong boyfriend at hindi ko alam ang dahilan. Nawala na lang siyang parang bula na hindi nagpapaalam sa akin. Dahil mahigit sa isang taon siyang nawala, nakipag-boyfriend ako sa iba at makalipas ang limang buwan ay ikinasal kami ng bago kong boyfriend.

Mahal ko ang aking ex at dinamdam ko ang kanyang pagkawala. Nang makilala ko ang naging asawa ko ay nalimutan ko na ang sakit na iniwan ng dati kong boyfriend.

Pero nagulat na lang ako nang muli siyang magparamdam sa pamamagitan ng text message. Humihingi siya ng sorry. Pinatawad ko naman siya pero nagpipilit siyang magkita kami kahit sinabi kong may asawa na ako.

Kung makipagkita ako sa kanya for the last time para maging pormal ang aming breakup at hindi na ako gambalain pa niya, tama kayang hakbang ito?

Lerma

Dear Lerma,

Tinutukso ka ng ex mo na makipagrelasyon muli. Kung makikipagtagpo ka sa kanya, nagtagumpay siya sa unang hakbang. Kapag magkaharap na kayo ay malamang digahan ka niya at tuksuhing buhayin ang inyong naunsiyaming relasyon. Mas mabuting huwag ka nang maki-pagkita pa sa kanya.

Ikaw na rin ang nagsabi na nalimutan mo na siya nang makilala mo ang iyong asawa kaya huwag mo nang papayagang magningas muli ang pag-ibig mo sa iyong dating nobyo.

Pero kung magpupumilit pa rin siya, magtapat ka sa iyong asawa. Sige, pagbigyan mo siya pero sa inyong pagtatagpo, isama mo ang iyong mister para matatak sa isip niya na wala na siyang pag-asang magkabalikan pa kayo.

Tiyak ko na matutuwa pa ang iyong mister dahil ang gagawin mo ay tanda ng iyong katapatan sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with