^

Dr. Love

Nawala ang pag-aalala

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

‘Di ko mapigilan ang magpasalamat sa Diyos habang kakwentuhan ko ang misis ko. Dahil ligtas siya. Pinayagan siyang umuwi ng Pilipinas dahil kasama niya ang kanyang amo para bisitahin ang kanilang negosyo sa Davao.

Nawala ang lahat ng pag-aalala ko nang magkita kami. Mabait ang kanyang Arabong amo. Parang pamilya ang turing nila sa amin.

Sa limitadong oras at araw, talagang in-enjoy ko ang bawat sandali na kami ay magkasama ni misis. Biro pa nga ng amo niya na no sex…no sex…baka raw kasi mabuntis bago sila bumalik sa Saudi.

Hindi ko na nga naintindihan ang mga kwento ni misis, dahil pinakamahalaga ay nagkasama kami at ligtas siya.

Hindi kasi maalis sa akin ang pangamba na baka madale siya ng COVID-19. Sabik na sabik talaga akong makita siya.

‘Yan lang po, gusto kong i-share ang kasiyahan ko na magkasama kami uli ng misis ko. Sa darating na linggo, babalik na sila ng Saudi.

Masakit man, kailangan. Putol na kasi ang aking kaliwang kamay kaya hindi na ako pinagtrabaho pa ng misis ko . Naipit ang kamay ko sa makina nang maaksidente ako sa factory na pinagtrabahuhan ko sa Taiwan. Kaya si misis na lang ang umalis para sa mga anak namin. Malakas naman ako kaso hindi lang ako fit to work abroad. Kaya patinda tinda lang ako rito sa bahay at ang misis ko ang siyang naghahanapbuhay.

Alex

Dear Alex,

Maraming salamat sa iyong ibinahagi. Ganyan talaga, kailangan magtulungan ang mag-asawa para sa kanilang mga anak. Hanga ako sa misis mo dahil tiniis niya ang malayo sa inyo para sa inyong ikabubuhay.

Pasalamat ka rin sa Panginoon dahil napunta sa mabait na amo ang asawa mo. Isama mo rin sila sa iyong mga panalangin.

Ang mga ganyang situwasyon na puno ng pananabik ay mahalaga i-enjoy nang husto. Regards sa iyong misis.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with