^

Dr. Love

Nawasak ang reputasyon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang finance officer sa government office ang aking asawa. Maligaya ang pagsasama namin sa pi-ling ng aming kaisaisang anak. Kung tutuusin, dapat sana ay mayaman na kami kung naging corrupt ang aking asawa, pero mahalaga sa kanya ang kanyang reputasyon.

Tawagin mo na lang akong Joy, 30 anyos. Dinapuan ng isang uri ng cancer ang aming 12-years old na anak na babae. Stage 3 agad nang ma-diagnose.  Tinubuan siya ng tumor sa kanyang baga at mangangailangan ng maselang operasyon.

Mahal na mahal namin ang aming anak at kaila-ngan namin ng salapi para siya ay gumaling. Kailangan daw dalhin sa Singapore ang aming anak para sa medical procedure na kakailanganin. Nagulat ako nang umuwi ang mister ko na dala ang halagang five million pesos. Ayaw niyang sabihin kung saan nanggaling.

Nairaos ang operasyon ng aming anak at nagpapagaling na siya. Pero isang dagok ang dumating sa aming buhay. Ipinagharap ang asawa ko ng kasong graft sa Ombudsman dahil ang pera pala na ginastos namin para sa aming anak ay kinuha niya sa kaha ng opisina.

Pati mga kapitbahay namin ngayon ay tila iniiwasan kami at kung anu-anong tsismis ang ikinakalat. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagpayuhan mo po ako.

Joy

Dear Joy,

Nagkasala sa batas ang mister mo at dapat niyang panagutan. Dapat sana, bago siya nagpasyang gumawa ng masama ay dumulog muna siya sa mga institusyong puwedeng makatulong sa kanya.

Pero water under the bridge. Nangyari na iyan at hindi na maitutuwid ang nabaluktot. Kailangan niyang pagdusahan ang kanyang paglabag. Ganyan ang buhay. Gaano man kabuti ang reputasyon ng tao ay agad nawawasak ng isang pagkakamali.

Siguro, makakabuti kung lumipat kayo ng tirahan para makaiwas sa mata ng mga taong mapanghusga. Kasama iyan sa epekto ng isang pagkakamali. Manalangin ka lagi sa Diyos na nawa’y magkaroon ng happy ending ang inyong situwasyon.

Dr. Love

 

 

 

vuukle comment

OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with