^

Dr. Love

May ibang ‘kabit’ ang ka-live in

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana’y mapagpayuhan mo ako sa mabigat na problemang pinapasan ko. Tawagin mo na lang akong Wilbur, 23 anyos at may live-in partner.

Isang taon na kaming nagsasama sa isang bubong ni Brenda. Mahal ko siya at toda sustento ako sa lahat ng kanyang hilig.

Malaki ang kinikita ko bilang isang attendant sa casino kaya naibibigay ko lahat ang gusto niya. Nakatira kami sa isang disenteng apartment.

Pero may nakapagbulong sa akin na may ibang kabit si Brenda, bagay na hindi ko pinaniwalaan hanggang sa nabasa ko sa text message niya sa cellphone ang ganito: “Love, pinadalhan kita ng ten thou sa Cebuana.”

Inaway ko siya sa natuklasan ko hanggang mapaamin ko siya. Humingi siya ng tawad at nakiusap na huwag ko siyang palayasin. Makikipag-break na raw siya sa kanyang lalaki.

Tama ba na bigyan ko pa siya ng isang chance?

Wilbur

Dear Wilbur,

Huwag kang magpabulag sa laki ng pag-ibig mo sa iyong ka-live-in. Nagpapa­kahirap kang magtrabaho tapos ang kinikita mo, ibang lalaki ang nagpapasasa?

Kalimutan mo na siya at humanap ng disenteng babae na hindi mo lang magiging live-in partner kundi isang asawang pakakasalan sa harap ng Diyos.

Kung ang mala­king kinikita mo ay iimpukin at sisinupin mo, magandang kinabukasan ang nakalaan sa iyo at sa iyong magiging pamilya.

Dr. Love

vuukle comment

RELATIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with