^

Dr. Love

Sumama sa lesbian

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Molly. Matagal na kaming magkarelasyon ng aking lesbian na bf. Successful ako sa buhay. Naka-graduate sa isang kilalang unibersidad dito sa Maynila.  Hotel and Restaurant Management ang aking course. Natanggap ako sa isang Restobar Disente, naman at pinuputahan ng mga ma-yayaman.

Nag-eenjoy naman ako sa aking work as manager. Hanggang na meet ko ang isang maganda pero matipuno.  Kung magsusuot babae siya at aayusan, mas maganda pa siya sa akin.

Halata naman sa kanyang kilos na gusto niya ako. Laging papansin at maluho. Lagi niya akong binibeybi. Hindi ko na mabilang ang kanyang regalong teddy bear. Ang pinakapaborito ko ay ang sobrang laking panda bear.

Hindi naman sa ayaw kong makipagrelasyon sa lalaki. Pero sa kanya ko lang nakita ang tunay na pagmamahal, kalinga at unawa.

Paulit-ulit akong sinasabihan ng aking tatay na sayang ang aking pagkababae at gusto niyang magkaapo galing sa akin.

Lagi na lang kaming nag-aaway dahil sa bf kong lesbian. Hiwalayan ko na raw at hayaan ko ang aking sarili na ligawan ng lalaki, na inaakala nilang madali lang para sa akin.

Umalis ako sa amin at sumama sa bf ko para wala nang makikialam sa aming pagmamahalan. Isang taon din akong malayo sa aking pamilya.

Lalong tumindi ang galit sa akin ng tatay ko. Ngayon pinapipili niya ako kung babalik ako sa aking tatay o tuluyan ko ang hihiwalan ang aking minmahal.

Molly

Dear Molly,

Wala bang pwedeng mamagitan sa inyo ng iyong tatay para maunawaan ka? Hindi kayo nagkakaunawaan na mag-ama dahil mag-kaiba ang inyong pananaw sa pagmamahal.

Ang ama mo ay nakatuon sa iyong pagbubuo ng pamilya. Tulad ng kanyang pangarap o kinagisnang buhay. Hindi mo siya masisisi sa kanyang paghahangad na maging maganda ang kalalagyan mo bago pa siya mawala sa mundong ito. Kaya napakahalaga sa kanya ang magkaroon siya ng apo.

Wala rin namang dapat humusga sa inyong relasyon ng iyong lesbian na bf. Pero gusto ko lang i-share sa’yo ang orig na layunin ng ating Manlilikha kay Eba, ‘yun ay para hindi mag-isa si Adan. Manalangin ka na maliwanagan ka sa iyong magiging desisyon. Hangga’t maaari maiayos mo ito nang maluwag sa kalooban ng bawat isa.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with