^

Dr. Love

Mahalagang aral

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sumulat ako sa inyo, hindi upang hi-ngin ang inyong payo kundi magbahagi ng kasaysayang inaasahan kong magbibigay ng ginintuang aral lalo na sa mga kabataang matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa magulang.

Tawagin n’yo na lang akong Melody, 32-anyos, walang asawa ngunit may tatlong anak sa tatlong lalaki na nakarelasyon ko.
Mula sa pagkasanggol ay inampon ako ng aking mga kinikilalang magulang at pinag-aral. Ngunit nang matapos ako ng high school, naging bulakbulera ako at ang pangmatrikulang ibinibigay sa aking ay ginagastos ko sa barkada.

Bawat naging anak ko ay kinalinga ng mga kinikilala kong magulang, kahit galit sila dahil sa pagiging pasaway ko. Nagpasya akong magtrabaho sa Middle East pero dahil wala akong pinag-aralan, wala akong natagpuang magandang trabaho. Nang magsimula ang COVID pandemic ay lalong humirap ang kalagayan ko. Hindi ako makabalik ng Pilipinas at napilitan akong tumanggap ng labahin sa mga kasamahan kong OFW na may trabaho pa.

Malungkot ang buhay ko at pinagsisisihan ko ito. Kung makakauwi ako, ipinapangako ko na magbabagong buhay na ako.

Sana ay kinapulutan ng aral ng ibang nagbabasa ang kasaysayan ko.

Melody

Dear Melody,

Lahat ng tao ay nakakagawa ng pagkakamali at sa bandang huli ay pinagsisisihan ito.

Ang mahalaga ay ang aral na natamo ng tao upang gawing pundasyon ng kanyang pagbabagong buhay.

Dakila ang mga kinikilala mong magulang dahil hindi nila pinabayaan ang mga anak mo. Dapat suklian mo sila ng mabuti.

Salamat nang marami sa pagbabahagi mo ng iyong kasaysayan at pagpalain ka ng Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with