^

Dr. Love

Nawalan ng trabaho sa abroad

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nabasa ko po sa online ang isang OFW na nag-share ng story niya. Isa rin po akong OFW dito sa Italy. Hindi pa alam sa amin na wala na akong trabaho. Alam ko na nagtataka na sila pero ang sinasabi ko lang, delay ang sweldo namin. Simula pa nung March nagtanggalan na sa hotel na pinapasukan ko. Umaasa sa akin ang dalawa kong kapatid na pinag-aaral ko at ang aking nanay.

Ang may alam lang ay ang ate ko na nasa Pinas, matagal din siyang OFW sa Saudi kaya nakaipon siya. Binilinan ko siya na siya na muna ang bahala sa mga anak ko. Naunang nawala sa akin ang mister ko kaya ang mga anak ko na lang ang iniintindi ko. Pinalayas ko na siya kaysa lalo pang sumakit ang ulo ko. Tiniis ko lang talaga ang hirap para sa mga anak ko.

Pasalamat na lang ako dahil trabaho lang ang nawala sa akin. Malakas at maayos naman ang kalagayan ko. Isang daan kaming nawalan ng trabaho, nagtutulungan kami. Ang isa naming kasama, kumikita sa youtube, may nagdo-donate sa kanya kaya nabibiyayaan kami.

Minsan sumasama kami sa mga videos niya. Inaaliw namin ang aming mga sarili. Naaawa rin kami sa amo namin, talagang halos malugi na ang kanilang kumpanya. Lalo na kung hindi sila magbabawas.

Kaso talagang wala akong maipapadala sa mga mahal ko sa buhay sa Pinas. Heto nag-aabang kami na may matanggap sa amin sa ibang hotel.

May naipanggagastos pa naman kami, kaso halos tatlong buwan na. Ang inaalala, ko baka tumagal pa ito. Sana hindi na. Hangang dito na lamang po.

Emmalyn

Dear Emmalyn,

Lahat apektado ng pandemic na ito. Mainam na sabihin mo na sa iyong mga kamag-anak na wala kang trabaho sa ngayon para hindi sila umasa sa iyo.

Continue praying, hindi naman natutulog ang Diyos. Tama, habang naghihintay kayo, mag-record muna kayo ng video s. Pasalamat ka sa ate mo dahil hindi niya pinabayaan ang mga anak mo. Bilib nga ako sa iyo at sa mga kasamahan mo dahil trabaho lang ang nawala sa inyo hindi pag-asa.

Wala na bang paraan para makahingi ka ng sustento sa mister mo para mabawasan ang pasanin mo?

Maraming salamat sa iyong ibinahagi, ingat kayo d’yan sa Italy.

DR. LOVE

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with