^

Dr. Love

Solusyon ang hanapin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo ako na Remedios. Nalulungkot po ako dahil ang akala ko ligtas kami ng pamilya ko sa COVID-19.  Pero tinamaan ang asawa ko. May edad na siya at may pneumonia. Pinaswab test namin siya, positive ang resulta. Hindi naman daw ganoon katindi ang kalagayan niya. Ang problema ko, ayaw pumayag ng biyenan ko na roon mag-stay ang mister ko sa bahay nila.

Bigla niya kaming pinalilipat ng bahay. Gusto ko sana sa ospital na lang siya, pero baka lalo siyang mahawa. Problema ko rin ang pambabayad sa ospital. Naiiyak ako sa situwasyon namin ngayon. Pati ang mga kapatid niya, parang walang awa sa kanya.

Hindi ko na po alam ang aking gagawin. Dinala namin siya sa ospital, ayaw naman siyang tanggapin dahil mild COVID lang daw ang sakit niya.

Sana po ay matulungan ninyo ako sa aming problema, hindi ko na alam ang aking gagawin. Sa ngayon nandito pa rin kami sa bahay ng biyenan ko.

Ms. Remedios

Dear Ms. Remedios,

Mas lalong mag-aalala ang mister mo kapag ipinakita mong nahihirapan ka. Lakasan mo ang tiwala mo sa Diyos at tatagan ang iyong kalooban. Lumapit sa inyong barangay. Maaari kang bigyan ng matutuluyan ng ating local government. Hindi kayo pababayaan ng chairman ninyo dahil ‘yan ang kanilang tungkulin.

Huwag ka nang masyadong mag-alala. Unawain mo rin ang bi-yenan mo dahil inaalala rin niya ang kalagayan ng mga bata sa inyo. Tandaan mo, solusyon ang hanapin at huwag tayong magsisihan. Para na rin sa iyong asawa.

May awa ang Diyos, hindi niya kayo pababayaan.

Dr. Love

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with