^

Dr. Love

Bagong buhay sa bagong pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Inday Zita. Kung naranasan ng iba ang mabigo dahil inayawan ng kanyang minamahal,  mas masakit ang sinapit ko. Ang akala ko talagang dahil sa akin kaya nag-abroad ang mister ko. Umasa akong makakaahon kami sa hirap pero hindi natupad ‘yon.

Maaga akong nag-asawa. Dalawa ang na-ging anak namin. Buntis ako sa pangalawa nang magdesisyon siyang pumunta ng Dubai. Tiniis ko ang lahat at umasang may matatangap galing sa kanya.

Noong unang mga linggo at buwan, nagparamdam pa siya sa akin. Pero sa mga sumunod ay wala na kaming communication. Hindi pa ganon ka-advance ang internet noon. Telepono lang ang usapan namin. Wala rin akong cellphone dahil inuna ko muna ang para sa kakainin namin ng mga anak ko. Halos hindi ako nakapaghanda sa ginawa niya sa akin.

Hanggang sa nanganak ako. Dahil dalawa na ang inaalagaan ko, hindi ako makapaghanap ng trabaho para mairaos ko ang kabuhayan namin.

Kaysa magmukmok, tiniis ko ang lahat ng hirap. Sakit sa katawan at kalooban, ang bigat nang naramdaman ko.

Gusto ko na nga sanang bumigay nang mga panahong iyon. Nagdesisyon rin akong iwan muna sa aking mga kapatid sa probinsiya ang aking mga anak habang maliit pa sila.  Kaysa ipamigay ko sila.

Pumasok ako bilang dishwasher sa isang canteen sa amo ng aking pinsan.  At doon ko nakilala ang lala-king nagpatibok muli ng puso ko. Ang akala ko sa mga pelikula lang nangyayari magandang kapalaran, pero nangyari sa aking buhay. Isa siyang binatan at mayaman.  Ayoko na sana, kaso binuyo ako ng aking pinsan. Hanggang naging kami na at lahat ng hirap ko ay napalitan ng kasiyahan. Minahal ko ang bago kong asawa hindi dahil sa pera niya kundi sa kanyang tunay na pagmamahal sa akin.

Maraming salamat po medyo mahaba na ang aking kuwento.

Inday Zita

Dear Inday Zita,

Isang liwanag sa iba ang iyong karanasan. Marami ang tulad mo pero hindi nila kinaya. Pinabayaan ang sarili at pinaba-yaan ang mga anak. Isang bagong buhay ang natamo mo. Ang bago mong asawa ay biyaya na ipinadala ng Diyos para makaahon ka. Minsan hindi natin inaakala na sa kabila ng ating kabiguan at pagdurusa, ipinadarama ng Maykapal ang kanyang awa sa atin. Huwag kang makakalimot magpasalamat sa Diyos, iha.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with