^

Dr. Love

Sunud-sunuran

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi mo naitatanong, ipinanganak ako sa isang mayamang pamilya. Biyudo na ang papa ko at kaisa-isa akong anak. Tawagin mo na lang akong Celeen, 23-anyos.

Mabait at uliran ang papa ko pero masyadong istrikto lalo na sa aking mga manliligaw. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend ng seryoso sa edad kong ito dahil lagi niyang kinokontra ang mga lalaking nagugustuhan ko.

Noong estudyante pa ako, nagkaroon din ako ng mga fling o hindi seryosohan rela-syon. Ngayong nasa wastong edad na ako, gusto ko namang maranasan na magkaroon ng boyfriend, bagay na hindi ko magawa dahil istrikto ang papa ko.

Dahil mabuti akong anak, sinusunod ko lagi ang gusto niya. Hanggang sa nakilala ko si Mark, ang lalaki na sa palagay ko ay tunay kong mahal  sa lahat ng mga nanligaw sa akin, simula pa noong una. Kahit tutol sa kanya ang papa ko, sinagot ko siya at naging lihim ang aming relasyon.

Gusto na naming magpakasal pero nagbabala ang papa ko na aalisan ako ng mana at itatakwil kapag sinuway ko siya. Sabi naman ni Mark, kahit wala akong manahing kayamanan ay kaya niya akong buhayin. Isa ring successful businessman si Mark. 

Papayag ba ako sa kagustuhan niyang magpakasal na kami kahit masaktan ko ang damdamin ng aking papa?

Celeen

Dear Celeen,

Nasa tamang edad ka na para magdesisyon sa sarili sa larangan ng pag-ibig. Ang magulang ay puwede lamang gumabay at magpayo sa mga anak kapag sila’y nasa tamang gulang na, pero ang pagdedesisyon ay nasa anak pa rin.

Maaaring masaktan ang damdamin ng iyong ama kung susuway ka sa kanya, pero hindi ito kasalanan sa Diyos. Kinabukasan mo ang nakasalalay sa pagpili nang magiging katuwang sa buhay, kaya walang puwedeng magpasya kundi ikaw lang.

Isa pa, kung sa tingin mo ay kaya kang itaguyod ng iyong boyfriend pati na ang inyong magiging supling kapag kayo’y naikasal na, wala akong nakikitang balakid para kayo ay magpakasal.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

PAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with