^

Dr. Love

Naputulan ng paa, nakikipagkalas sa bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahal na mahal ko si Lagring. Magkasintahan kami mula pa nung high school at fixed na ang aming desisyon na magpakasal ‘pag nakatapos kami ng college.

Tawagin mo na lang akong Brandon,  20-an­yos at civil engineering student. Si Lagring naman ay kumukuha ng kursong nursing. Limang buwan na ang nakakaraan, nasagi siya ng tricycle habang tumatawid at nang matumba siya ay may van na nagdaraan at nagulungan ang kanyang binti.

Kinailangang putulin ang kanyang kanang binti.Labis niya itong ipinagdamdam. Ayaw na niyang mag-aral at nakikipag-break na siya sa akin pero ayaw kong tanggapin. Kahit ang mga magulang niya ay hindi siya makumbinsing mag-move on.

Kahit nakabitan na siya ng artificial leg ay lagi na siyang nagkukulong sa kuwarto at ayaw makipag-usap. Minsan ko lang siya nakausap sa telepono at sinabi kong walang nagbago at mahal na mahal ko siya. Ngunit iginigiit niyang humanap na ako ng iba.

Ano po ang nararapat kong gawin?

Brandon

Dear Brandon,

Hindi pa niya tanggap ang nangyari kaya nagkakaganyan siya. Palagay ko, kailangan niya ang debriefing sa tulong ng isang psychologist para tulu­ngan siyang makapag-adjust.

Pero in many cases, nasa una lang ang feeling of bitterness pero sa kalaunan ay natatanggap na rin ng isang katulad niya ang bago niyang kalagayan. I-suggest mo sa mga magulang ni Lagring na ikonsulta siya sa isang clinical psychologist na dalubhasa sa ganyang mga kaso.

Sa panig mo, huwag mo siyang susukuan. Patuloy mong patunayan ang iyong natatanging pagmamahal sa kanya para lalo siyang ma-motivate na mag-move on.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with