^

Dr. Love

May gf pero nawiwili kay Ivana

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ok po lang ba na humanga pa rin kay Ivana kahit may gf na ako? Kasi sobrang ganda po niya at perfect figure siya ng isang babae.

Hindi ko naman ikinukompara ang gf ko sa kanya. Nawiwili lang ako sa panonood ng mga video niya sa youtube at fb.

Hindi natatapos ang araw ko na hindi ako nakakapanood ng updated na video ni Ivana.

Gustong-gusto ko ‘yung maglilinis siya ng kot­se. Sorry po nao-obsess na yata ako sa kanya. Alam ko naman na hanggang pagpapantasiya lang naman ako sa kanya.

Minsan, nagselos na ang gf ko. Nahuli niya kasi akong nanonood ng video ni Ivana.

Sana matulungan n’yo ako kasi baka magkahiwalay pa kami ng gf ko. Aaminin ko naman na ako ang may problema.

‘Yun lang po.

Vince

Sampaloc, Manila

Dear Vince,

Hindi naman masama kung magandahan ka kay Ivana. Maganda naman talaga siya at almost perfect figure siya.  Pero kung may gf ka, dapat mature kang i-handle ang relationship ninyo.

Ang panonood mo ng videos ni Ivana kung hindi nakakatulong sa inyo, eh bawas-bawasan mo.

Mas mainam na hanapin mo sa iyong gf ang magandang kata­ngian niya para lalo mo pa siyang mabigyan ng pansin. Hindi mo nga siya kinukompara kay Ivana ng direkta, pero sa sarili mo nawawala ka sa focus.

Dapat alam mo ang nararapat. Better to set limit sa mga ginagawa mo. Kapag nakasanayan mo na ‘yan, tapos mag-aasawa ka eh baka hindi ka na makatakas sa paghanga mo sa magagandang babae tulad ni Ivana.

Kaya isip-isip din at umaksiyon ka bago pa tuluyang magkalabuan kayo ng gf mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with