^

Dr. Love

Panay ang ‘pangungulit’ ni Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang po ninyo akong Ester. Wala ngang pasok pero panay naman pangungulit ang mister ko. Alam mo na. Tuwing umaga nasanay kasi siyang maagang magising kaya maaga pa lang nangungulit nang sumiping.  Sinabihan ko na siya na maliliit pa ang mga anak namin.

Tinakot ko na lang siya na baka sa kaka-ano niya ay madali siyang madapuan ng COVID-19 kaya hayun, naghinay-hinay.

Hindi naman siya ganyan kapag may pasok sa trabaho.  Pagod siya kung umuwi, pagod na maghapon tapos trapik pa pauwi rito sa San Jose Bulacan. Kulang na kulang ang oras niya, sa biyahe pa lang ubos na ang oras niya. Tuwing umaga naman gahol siya. Nagmamadaling umalis kasi baka ma-late siya. Kaya minsan, wala na kaming time sa isa’t isa.

Tigil kasi ang pagkakartero niya sa Las Piñas dahil sa quarantine. Ilang araw na rin silang walang pasok.

Eto naman ang ginawang bisyo, ang pangungulit sa’kin tuwing umaga at gabi. Eh, wala na rin kaming panggastos para sa isang buwan namin.

‘Yung naipon ko lang nitong nakaraan pang mga sahod niya… kakapusin kami, malamang.  Mabuti at tipid kami sa sabon at mga dagdag gastusin.

Anyway, sana po mapayuhan ninyo ang mister ko. Ano ang pwede niyang gawin para hindi na siya ma­ngulit.             

Ester

Dear Ester,

Minsan pagbibigyan mo ang mister mo para makabawi siya sa mga araw na nagagahol siya at nakakalimot sa’yo.

Pero pakiusapan mo lang ng maayos para hindi magalit sa’yo kapag tinatanggihan mo siya.

Kung malakas naman ang mister mo, hindi naman siya agad tatablan ng sakit. Sabihan mo na lang na hinay-hinay lang at huwag araw-araw. Naku, tama ka, malamang dumami kayo kapag may pasok na siya. Nasa iyo ang kontrol. Ikaw ang dapat masunod. Sabihan mo siyang igalang ang karapatan mo bilang isang babae.

Dr. Love

vuukle comment

MISTER

PANGUNGULIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with