^

Dr. Love

Nawili sa ‘overtime’ si mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang mister ko ay laging nagpapaalam na mag-o-overtime. Natuwa naman ako kaya pinapayagan ko siyang mag-overtime.

Ang problema, hindi naman nadaragdagan ang kanyang sahod. Noong una, hinayaan ko lang kasi sabi niya minsan nahuhuli ang pagsama ng overtime sa sweldo.

Hanggang sa may nakapagsabi sa akin na lagi raw siyang nakikita sa isang restobar sa Quezon City. Sinamahan ako ng kapitbahay namin sa bar na iyon. Sakto, overtime nga ang pangalan ng resto bar.

Kaya pala baligtad ang nangyayari kada overtime niya, lalong nauubos ang kanyang sahod. Nahuli ko pa siyang may kasamang babae, nag-iinuman sila roon ng mga ka-opisina niya.

Talagang pinakita ko ang galit ko sa mister ko. Halos umaapoy ang galit ko pero sinabihan ako ng kapitbahay namin na huwag akong gumawa ng gulo sa restobar dahil nakakahiya sa ibang customers.

Pag-uwi namin, nakatikim siya ng mag-asawang sampal sa akin at dalawang oras na dakdak. Sinabihan ko siya na kaya nga kami nagtitipid eh para sa aming mga anak tapos hinahaluan pa niya ng kalokohan ang trabaho niya. 

Baby Rose

Dear Baby Rose,

Literal palang overtime ang pangalan ng restobar. Hindi naman masama ang makisama sa mga kasamahan sa trabaho, pero huwag sana sa mga ganong klase ng lugar na maglalantad sa kanya sa tukso. Basta sabihan mo na huwag na siyang mag-o-overtime kapag hindi nadaragdag sa payslip niya.

Minsan ayain mo siyang lumabas para magkaroon kayo ng pagkakataon sa isa’t isa at hindi niya hanapin ang atensiyon ng iba. Malaking bagay din kung lagi mong isama sa iyong mga dasal ang hangad mo na pagbabago ng iyong mister. 

DR. LOVE

 

 

 

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with