^

Dr. Love

Depressed si Mister

Pilipino Star Ngayon

­­­Dear Dr. Love,

Mapayapang bagong taon sa inyo at sa lahat ng tagasubaybay ng Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Merlinda, 30-anyos.

Ang aking asawa na si Carlos 39-anyos ay isang dating artist sa isang advertising agency. Ngunit hindi na niya pwedeng ipagpatuloy ang pagiging artist dahil ang tatlong daliri sa kanyang kamay ang naputol dahil naputukan ng rebentador, two years ago. New Year celebration noon.

May negosyo naman kaming art supply na sapat para tustusan ang aming pangangaila-ngan. Noon una, ito na lang ang inaasikaso niya pero habang nagtatagal, nakikita kong lumalalim ang kanyang kalungkutan.

Naging mainitin ang ulo. Minsan, nakita kong may hawak siyang lapis at pinipilit mag-drawing gamit ang nalalabing daliri sa kanyang kamay. Ngunit bigla niyang inihagis ang lapis at kasunod nito ay sumisigaw siya ng may galit.

Pinayapa ko siya at napapayakap siya sa akin na lumuluha. Aniya, mahalaga sa kanya ang pagguhit. Hanggang ngayon ay hindi na bumalik ang dating siya.

Ano ang dapat kong gawin sa ganitong situwasyon?

Merlinda

Dear Merlinda,

Alam mo Merlinda, may mga artist na isinilang na walang kamay pero naka-kaguhit ng magagandang obra sa pamamagitan ng kanilang bibig o paa.

Kung magtitiyaga siyang sanayin ang nalalabing daliri sa kanyang kamay, o kaya’y sanayin ang kaliwang kamay na gumuhit ay magagawa niya ito kung sadyang maalab ang kanyang pagnanais na magbalik ang nawala niyang ta-lento.

Tungkulin mo bilang asawa na i-motivate siya. Doon ka sa kanyang tabi kapag sinasanay niya ang kanyang apektadong kamay na makaguhit.

Manood kayo ng video sa YouTube na nagpapalabas ng foot and mouth artist na sa kabila ng kapansanan ay nakakagawa ng magagan-dang likhang-sining na maaaring maka-inspire sa kanya upang magpursiging maibalik ang kakayahan niyang gumuhit.

Mabiyayang New Year sa inyo.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with