^

Dr. Love

Naging lasinggera si Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako naman kasi ang nagturo sa asawa ko na uminom ng alak. Kasi nga para hindi siya nagseselos sinasama ko siya sa mga gathe-ring namin ng barkada ko kasama rin naman ang mga wife nila. Kahit noong bagong kasal pa kami.

Medyo kalog naman si misis kaya ok lang sa kanya.  Sinasama ko siya maging sa outing ng opisina namin. Wala namang problema sa aming relationship. Kaso lagi kaming lasing kung umuwi.

Minsan hagingan na kaming matuluyan dahil inangkas ko siya sa motor kahit nakainom na. Sumalpok kami sa isang tricycle na nakaparada dahil iniwasan ko ang kasalubong na jeep.

Mabuti at gasgas lang ang tinamo naming dalawa. Hindi naman nagalit ang may-ari ng tricycle. Nagalit si misis, sinabihan niya ako na huwag nang mag-motor kapag nakainom kami.

Wala pa kaming anak kaya parang dalaga’t binata pa ang lifestyle namin.

Nitong nakaraang araw, katatapos lang ng birthday ni misis. Pag-uwi ko ng bahay nag-iinuman sila ng mga kapitbahay ko. Marami naman sila. Nagvi-videoke sila at nagsasayawan.

Ok lang naman sana kaso parang napansin ko na nage-enjoy sila kahit ang mga lalaking kainuman nila. Hindi lang pala isang beses nangyari ito. Kapag may birthday ang mga kumare niya, nagse-celebrate sila sa bahay ng may birthday. Parang naging lasenggera na yata siya.

Hindi ko siya masabihan kasi ugali ko rin ang uminom. Kapag nagagalit ako, sasabihin lang niya na bakit ako, pwede pero siya hindi?

Naiisip ko lang na baka ito ang pagmulan ng aming problema na mag-asawa.

Mr. Sander De Fifth 

Dear Mr. Sander De Fifth,

Naku! Totoong matindi ang magiging problema ninyong mag-asawa, lalo na sa kalusugan ninyo.

Kung gusto pa ninyong magkaanak, iwas-iwasan ninyo ang pag-inom. Mabuti at hindi kayo nadale ng maaksidente kayo. Huwag na huwag mo ng uulitin na mag-drive ng nakainom.

Kung gusto mong matigil ang pag-inom ng misis mo, ikaw ang maunang magbawas ng pag-inom. Hanggang mapansin niya na umiiwas ka na sa alak. O kaya mag-usap kayo sa mga pwede lang na sitwasyon na kayo ay mag-iinuman. Tandaan mo, masama sa katawan ang sobrang pag-inom ng alak.

Dr. Love

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR. LOVE

LASINGGERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with