^

Dr. Love

Sino ang pipiliin?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Nelson, 27-anyos at isang single father. Sa ngayon, ang anak kong babae ay pitong taong gulang na at siya ang itinuturing kong tanging kayamanan.

Nabuntis ko ang aking girlfriend noon na sobrang liberated. 30-anyos na siya at ako ay 20 pa lang nang magkaroon kami ng relasyon. Nang makapagsilang siya ay iniwan niya sa akin ang aming anak at hindi ko na malaman kung nasaan na siya.

Mag-isa kong itinaguyod ang anak ko na inaa-lagaan ng aking ina kapag nagtatrabaho ako bilang clerk sa isang kompanya. Lumipas pa ang ilang buwan ay nakilala ko si Maya. Naging magkasintahan kami. Mabait siya at sabi niya, okay lang kung mayroon akong anak.

Pero nang yayain ko siyang magpakasal,  pumayag sa kondisyong iiwanan ko sa aking ina ang aking anak. Mabigat sa loob ko na magkakahiwalay kami ng aking kaisaisang anak.

Matanda na ang nanay ko at baka hindi na ka-yaning itaguyod ang anak ko hanggang sa paglaki nito. Kinukumbinsi ko si Maya na isama ko ang aking anak pero ayaw talaga niya.  

Pagpayuhan mo nga po ako, Dr. Love.

Nelson

Dear Nelson,

Kung ako sa iyo, makikipag-break na lang ako sa girlfriend mo na sarili lang ang iniintindi. Maraming bata ang napapahamak at naliligaw ng landas dahil sa kawalan ng magulang na gagabay sa kanila.

Sakaling makumbinsi mo man siya, hindi mo matitiyak kung tatratuhin niya ng mabuti ang iyong anak.

Isa pa, maaaring sa paglaki ng bata ay magtatanim sa iyo ng poot dahil iniwan mo siya para lang sa isang babae.

Siguro ganyan din ang mararamdaman mo kung nung bata ka ay iniwan ka ng nanay o tatay mo para sumama sa iba. Kaya magsuri kang mabuti sa gagawin mong desisyon.

Tandaan mo na ang anak ay ipinagkatiwala lang sa atin ng Panginoon at kung mapapahamak ito, malaking sagutin natin ito sa Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with