^

Dr. Love

‘Relate’ sa pagseselos

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Palcoto. Isa po akong delivery boy ng isang online shopping.

Hapon nun nang may pina-deliver sa akin sa bandang Quezon City. Nang makausap ko ang babaeng nakapangalan sa tag, medyo humikbi. Credit card ang ginamit. Worth 7K ang presyo. Nang inaabot ko na ang item, nakita kong maga ang mukha ng babae at may sumigaw sa loob ng bahay. Ang sabi, “‘Yan na ang cellphone na kinukulit mo sa akin! Binili na kita.” Biglang hinatak ng lalaki ang babaeng umiiyak.

Habang inaayos ko ang aking motor naririnig ko ang palitan nila ng salita. Matindi ang galit ng lalaki sa babae. Bili raw siya nang bili ng cellphone pero iba naman ang kalandian ng babae. Pilit sinasabi ng babae na hindi niya ginagawa ‘yon.

Hindi naman po sa nakikialam ako at tsismoso, nakita ko lang ang sarili ko sa lalaki. Seloso rin kasi ako sa aking asawa, kung anu-ano ang naiisip ko na inaakala kong ginagawa niya kapag wala ako.

Hindi nga ako nananakit pero nasasaktan ko naman ang kanyang kalooban. Ewan ko ba, madalas akong magselos. Kasi minsan nagte-text ako, tumatawag pero hindi sumasagot. Kung kailan galit na ako, saka pa lang siya nagre-reply.

Nabubuo tuloy sa isip ko na may kalokahan ang misis ko. Minsan nga sinasabi ko sa sarili ko na huwag na huwag ko lang siya makikitang nakikipaglandian, makikita niya kung sino ang niloloko niya.

Paano ko po ba maiaalis sa akin ang selos? Bata-bata pa naman ang misis ko, marami pang magkakagusto sa kanya.

Palcoto

Dear Palcoto,

Ok ang pangalan mo ha. Ang maipapayo ko, huwag mo nang ulitin na pakinggan ang away ng iba, ikaw rin  baka madamay ka.

Tungkol naman sa selos. Matindi ang selos ng taong walang tiwala sa sarili at walang tiwala sa mahal niya sa buhay.

Unfair sa isang tao, babae man o lalaki ang pag-isipan ng masama, lalo na kung hindi naman totoo. Kung sa’yo rin gagawin ang ibinibintang sa’yo hindi ba masasaktan ka rin? Pwede naman ninyong pag-usapan lagi ang mga kasunduan ninyo para malinaw sa inyong dalawa ang limitasyon ninyo.

Dr. Love

vuukle comment

ONLINE SHOPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with