^

Dr. Love

May lahing baliw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po at magandang araw sa inyo. Tawagin n’yo na lang akong Lora May, 19 anyos. May nanliligaw sa akin na sobrang type ko. Guwapo kasi at maginoo.

May two weeks na kaming nagde-date pero may mga kasamang friends at sa loob ng maigsing panahon ng aming pagkikilala, I think he is the perfect and right guy for me.

Hindi ko pa siya sinasagot dahil may worry ako. Nalaman ko na mula pala siya sa angkan ng mga may manic depression. Ang father niya ay na-confine hanggang mamatay sa mental institution. Isa rin sa mga kapatid niya ay nagpakamatay ng walang dahilan.

Nalaman ko rin na may uncle din siya na nabaliw din. It seems that insanity runs in their blood. Kaya natatakot po ako na baka magka-anak ako na baliw. Pero kung minsan, nangingibabaw ang aking pagkagusto sa kanya.

Pagpayuhan mo po ako.

Lora May

Dear Lora May,

Totoong namamana ang insanity. Pero kung minsan, sa sitwasyon mo ay nangingibabaw ang matinding feelings mo para sa kanya. Of course ikaw ang magdedesisyon.

Pero sang-ayon ako na dapat mo rin tingnan ang kinabukasang daranasin mo, lalo na ang posibilidad na baka magkaanak kayo na isang baliw, na hindi malayong mangyari. Kaya timbangin mo ang iyong prayoridad.Puso ba o kinabukasan ng iyong pamilya? Bata ka pa naman at baka ang nararamdaman mo ay paghanga lang. Marami pang oportunidad sa pag-ibig ang darating sa buhay mo, kaya mag-isip ka ng mabuti.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with