^

Dr. Love

Aktibista ang nobyo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Missy, 20-anyos at estudyante ng political science. Sa pamantasang pinapasukan ko, marami sa aming mga estudyante ang mulat sa mga socio-political problems ng bansa at sa mga katiwaliang nagaganap sa pamahalaan.

Bagamat maraming humihimok sa akin na sumama sa mga mag-aaral na aktibista, lagi akong tumatanggi. Naniniwala ako sa kanilang ipinaglalabang reporma, pero gusto kong makatapos sa kursong aking kinukuha. Nangangamba ako na baka maging sagabal sa pag-aaral ko kung magiging aktibista ako.

Isa pa, naniniwala ako na may ibang mas mapayapang paraan para makamit ang inaasahan na reporma sa lipunan nang walang himagsikan.

Siyanga pala, ang boyfriend ko ay isang student leader na kumukumbinsing sumama ako sa kanilang kilusan.  Pero nauunawaan niya ang rason ko kung bakit ayaw kong sumama at hindi niya ako pinipilit. Baka lang daw magbago ang isip ko. Ngunit ayaw sa kanya ng aking ama na isang retired general. Baka raw madoktrinahan ako at maging komunista. Pero sabi ng father ko, paalala lang ang sa kanya at hindi siya makikialam sa choice ko kung sino ang ibig kong maging life partner. Gayunman, huwag daw sana akong magsisi kung makakatuluyan ko ang aking boyfriend.

Dapat ko bang hiwalayan ang boyfriend ko dahil sa ideolohiya niya?

Missy

Dear Missy,

Kung minsan puwedeng maging dahilan ng pagta-talo ng mag-asawa o magkasintahan ang magkasalu-ngat na ideological belief. Ikaw ay nasa wastong edad na at may laya kang magdesisyon para sa iyong sarili. Tingnan mo kung gaano ka-hardcore ang iyong boyfriend  sa tinitindigan niyang ideology.

Masusuportahan mo ba siya kung sakali kahit magkaiba ang inyong pinaniniwalaan? Kung oo at mahal mo siya, sige ituloy mo ang inyong relasyon pero kung hindi, mas mabuting maghiwalay kayo ng landas.

Dr. Love

vuukle comment

AKTIBISTA ANG NOBYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with