^

Dr. Love

Muntik mapatay ang asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dahil maselan ang aking kasaysayan, kung maaari ay huwag mo nang ibunyag ang totoo kong pagkakakilanlan. Tawagin mo na lang akong Bobby, 40-anyos at may asawa.

Simula nang magkaroon ako ng mild stroke ay nawala ang kakayahan kong makipagtalik. May dalawang taon na ang lumipas simula nang mangyari ‘yon. Naka-recover ako, ngunit hindi na nagbalik ang kakayahan kong makipagtalik at dahil dito, napansin ko ang pagiging iritable at mainitin ang ulo ng aking asawa.

Ginagawa pa rin niya tulad nang dati ang kanyang tungkulin sa tahanan bilang housewife at ‘yon ay appreciated ko. Unti-unting lumamig ang aming relasyon at bagamat nagsasama kami sa isang bubong ay nawala ang init ng aming pagmamahalan. Sa aking pag-iisa ay napapaiyak ako at tinatanong ko lagi sa Diyos kung bakit nangyari ito sa akin.

Lalung nagpuyos ang aking galit nang sa aming neighborhood, kumalat ang balita na may lalaki ang aking asawa. Hindi ko siya inusisa at kinimkim ko na lang sa sarili ko ang sakit. Ngunit hindi na ako nakapagtimpi nang makita ng dalawa kong mata na lulan ng isang kotse ay pumasok sa isang motel ang misis ko na may kasamang lalaki.

Pinilit ko pa ring magsawalangkibo na lang. Pero habang nakahiga kami sa aming kama at siya’y mahimbing nang natutulog, nahagilap ko sa headboard ang isang gunting at nabuo sa aking isip na siya ay saksakin. Habang nakaamba ang aking kamay na may hawak na patalim, mayroon akong narinig na tinig sa aking isipan na nagsabi nang huwag kong ilagay ang batas sa aking mga kamay. Nahimasmasan ako pero hanggang ngayon ay hindi mapawi ang sakit na ibinibigay niya sa akin tuwing naiisip kong may katalik siyang ibang lalaki. Pakiramdam ko ay hindi na normal ang aking buhay. Ano ang gagawin ko?

Bobby

Dear Bobby,

Ang narinig mo ay tinig ng iyong budhi, at tama. May batas tayo na dapat magparusa sa mga nagkakasala at hindi natin dapat ilagay sa ating mga palad ang paghihiganti. Mayroong batas ng tao, at higit sa lahat, batas ng Diyos.

Kung may sapat kang katibayan na na-ngangalunya ang misis mo, puwede mo siyang ipagharap ng karampatang demanda, o kaya’y maaari kang mag-file ng annulment of marriage para tuluyan na kayong maghiwalay. Pero una sa lahat, open the line of communication. Tanungin mo siya para sa kanyang labi mismo manggaling ang pag-amin sa kanyang kasalanan. Kung mangangako siyang hindi na uulit at hihingi sa iyo ng tawad, patawarin mo siya.

Subalit kung ayaw na niya sa iyo dahil hindi mo na maibibigay ang pa-ngangailangan ng kanyang katawan, pinakamabuti ang annulment.

Dr. Love

vuukle comment

MAPATAY ANG ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with