^

Dr. Love

Miss na ang parents

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ganito pala ang mag-asawa, mami-miss mo ang lahat ng mga mahal mo sa buhay lalo na ang parents mo. Sinunod lang namin ng aking asawa ang paghiwalay namin sa magulang kapag nagsasama na kami.

Nag-ipon kami ng mister ko bago pa kami nagpa-kasal. Sa tulong ni Allah, nakabili na kami ng sarili naming bahay dito sa Maynila.

Taga Davao kami ng mister ko. Pareho kaming negosyante kahit noong dalaga’t binata pa kami.

Sa pagtitinda nga kami nagkakilala sa Davao. Hindi kami parehong nakatapos ng pag-aaral dahil napilitang magtinda. Ang nakakatuwa, magkatapat lang kami ng pwesto. Mas maganda ang pwesto namin kaysa sa kanya. Nagtitinda kami ng mga damit at bag. Siya, nagtitinda ng DVD. Lagi nga siyang pinapaalis dahil sagabal siya sa daanan ng mga tao at pinagbabawal ang magtinda ng pirated.

Pero ang hindi ko alam, may pwesto pa pala sila ng parents niya sa kabilang side ng palengke.

Dahil araw-araw kaming nagkikita at kumikita, lagi kaming binibiro ng mga tindero’t tindera roon, bagay nga raw kami. Makulit kasi siya. Hanggang sa naging kami na nga. At hiningi na niya ang aking kamay sa aking mga magulang.

Ilang taon din kaming nag-ipon at nagdesisyon na sa Maynila na lang magsimula ng aming kabuhayan. May mga kapwa muslim din naman kami sa Quiapo. Pero wala kaming kamag-anak na malapit sa aming angkan.

Umupa muna kami at sa awa ni Allah, masaya at maunlad ang aming pamumuhay. Kaso nalulungkot ako dahil nami-miss ko ang parents ko. Wala pa rin naman kaming anak. Kaya nakakalungkot kapag panay hanapbuhay kami.  Hindi naman ako makauwi dahil sayang ang kikitain namin sa ilang araw na magsasara kami. Kainan ang aming negosyo rito sa Maynila.

Aafia

Dear Aafia,

As-sal?mu ?alaykum. Maraming salamat sa iyong ibinahagi. Napakaganda ng inyong love story. Simple pero puno ng pagpapala. Bigyan mo rin ng oras ang iyong mga mahal sa buhay sa Davao. Kung nami-miss mo sila, malamang sila ay ganun din. Huwag naman puro negosyo. Kahit minsan sa isang taon, dalawin ninyo sila.

Mainam na nakakadalaw kayo sa kanila. Goodluck sa negosyo ninyo at sana magkaanak na kayo.

Dr. Love

vuukle comment

PARENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with