^

Dr. Love

Minumulto ni Mister

Associated Press

Dear Dr. Love,

Tawagin mo po akong Elma, 40-anyos. Namatay po ang aking asawa last year sa sakit na emphysema dahil sa sobrang paninigarilyo.

Kabilin-bilinan niya sa akin, huwag akong mag-aasawa kaagad kapag namatay siya dahil mumultuhin niya ako.

Buhay pa siya ay may isa nang lalaking pumuporma sa akin at aaminin kong type ko rin siya. Pero hindi ako nagtaksil sa aking asawa dahil kinimkim ko na lang sa sarili ang pagkagusto sa lalaking ‘yun.

Nang mailibing ang mister ko, sinagot ko na ang aking manliligaw. Walang iniwang anak sa akin ang asawa ko kaya ayokong mapag-isa. Agad akong nakipag-live-in sa boyfriend ko at may dalawang buwan na kaming nagsasama. Security guard ang asawa ko at madalas na night duty siya. Kaya panay-panay na naiiwan akong nag-iisa sa inuupahan naming silid.

Minsan, may naririnig akong dumadaing na boses na kaboses ng aking asawa. Madalas, nananaginip ako na sinusumbatan niya ako dahil agad ko siyang ipinagpalit. Minsan, nagigising ako dahil may kumakalabit sa’kin. Ayaw maniwala sa akin ng aking kinakasama at sabi niya ay imahinasyon ko lang ‘yun.

Ano ang gagawin ko?

Elma

Dear Elma,

Bagama’t tunay na may multo, marahil ang nararanasan mo ay sumbat ng konsensiya. Dahil hindi ka nakatupad sa ipinangako mo sa iyong pumanaw na mister.  Ang maipapayo ko ay magdasal ka nang taimtim para magkaroon ka ng kapanatagan, idalangin mo rin ang katahimikan ng kaluluwa ng mister mo. Isa pang payo, kung tunay ang pagmamahal sa iyo ng bago mong partner, magpasailalim kayo sa matrimonyo, tutal naman biyuda ka na. ‘Yan ay payo ko lang, nasa iyo pa rin ang pagpapasiya.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with