^

Dr. Love

Tatlong beses dinenay

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong senior high student. Klasmeyt ko po ang naging gf ko. Masakit po sa kalooban ko na tatlong beses akong dinenay ng girlfriend ko. Sabi niya mahal niya ako pero bakit hindi niya ako maipagmalaki sa ibang tao.

Ang feeling ko tuloy, kaya niya ako sinagot dahil sa naawa lang siya sa akin. Matiyaga kasi akong manliligaw niya. Kapag may kailangan siyang ipagawa sa akin, kaagad kong ginagawa.

Kahit minsan, may sakit ako hindi ko sinasabi sa kanya. Nagagalit na nga ang mama ko dahil pinaglalaruan lang daw ng gf ko ang damdamin ko. Pinaasa niya at pinaniniwalang mahal niya ako.

Sa unang pagkakataon nang sagutin niya ako tinatanong ng mga klasmeyt namin kung kami na, pero ang sabi niya best friends lang daw kami. Kinausap niya ako tungkol dito, sabi niya ayaw daw niyang pinag-uusap usapan kami sa school na kung magkaroon kami ng problema ay may madadamay pa kaming iba.

Okey sa akin ‘yun, kaso inulit pa niya ang pag-deny sa akin nang tanungin ng pinsan niya na bakit kami magkasama, magsyota ba raw kami. Pero hindi siya kumibo. Balewala lang sa kanya ang hindi pag-amin. Nagpaliwanag uli siya, kasi madaldal daw ang pinsan niya baka itsismis lang daw kami.

Sige, okey pa rin sa akin ‘yun. Ang kaso sa pangatlong pagkakataon, habang nasa mall kami nakita kami ng mama at tita niya, tinanong kung sino ako at sinabi lang niya na klasmeyt niya at hinihintay pa namin ang iba pa naming klasmeyt para sa project namin.

Nagpaliwanag pa rin siya na baka raw pagbawalan na siyang makipag-date sa akin kaya sinabi niya iyon. Gusto ko sanang maging legal ang relasyon namin sa lahat at maipagmalaki niya na ako ang kanyang boyfriend. ‘Yun lang po, Dok.

E-jay

Dear E-jay,

Mararamdaman mo naman kung talagang sincere ang gf mo sa iyo. Bigyan mo rin siya ng space kasi baka napri-pressure siya dahil hindi siya sanay na may boyfriend na siya. Give her time na magkaroon siya ng courage na mailantad na ninyo ang relationship ninyo sa lahat ng tao. Lalo na sa parents niya.

Kaya huwag ka munang mag-judge. Sinasabi naman niya ang dahilan kung bakit ayaw niyang aminin ang relationship ninyo. Baka it’s too early para sa kanya ang magkaroon ng commitment.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with