^

Dr. Love

Nabuko sa honeymoon

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago na lang ninyo ako sa pangalang Linda. Madalas po akong nagbabasa ng column ninyo. Nakikita ko po ang mga bushers ninyo. Tulad nila noong una, wala akong bilib sa mga sulat sa inyo at ang akala ko ay gawa-gawa lamang o kathang-isip lang ninyo ang mga sumusulat sa inyo.

Pero nang ako na ang magkaproblema, hindi ko na rin akalain na susulat ako sa inyo at hihingi ng payo. Nakakatawa nga, nakarma yata ako.

Bagong kasal lang kami ng mister ko. Tawagin na lang natin siya sa pangalang Ver. Matagal kaming mag-on, mga 3 years na. Pero hindi pala sapat ‘yun para makilala ko siya nang lubos.

To make my story short, nagpakasal kami na wala akong napapansin na kakaiba sa kanya. Mabait siya at very professional.

Pero noong honeymoon namin, nalaman ko ang sikreto niya. Ayaw tumigas ang ari niya, kahit suot ko na ang nighties ko. Sa madaling sabi, bading siya.

Inamin niya sa akin na mahal niya ako pero ayaw niyang makipag-sex. Simula noon natabangan na ako sa pakikitungo sa kanya. Mahal ko rin naman siya, kaso ang ini-expect kong mapapangasawa ay ‘yung tunay na lalaki. Hindi ko alam kung sasabihin ko ito sa mga parents namin.

Sa ngayon wala pa akong desisyon at hindi ko pa alam ang gagawin kung itutuloy ko pa ang pagsasama namin o magpapa-annul na lang kami. Nanghihinayang din naman ako sa relationship namin. At ayoko rin naman siyang bigyan ng kahihiyan.

Linda

Dear Linda,

Kayong dalawa ang dapat mag-usap sa pro-blema ninyo. Ang maipapayo ko lang, sundin ninyo ang lahat nang mapagkasunduan ninyo. Maging totoo kayo sa isa’t isa. Mga professional naman kayo, I think you are mature enough to handle your situation.

Kung magiging malaya siya sa kanyang pagiging gay, igalang mo ang desisyon niya.  At ikaw, nasa sa iyo kung matatanggap mo pa rin siya kahit na iba sa inaasahan mong future na kasama siya. Huwag ninyong intindihin ang sasabihin ng iba. Just settle your problem within his family and yours. 

Dr. Love

 

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with