^

Dr. Love

May BF ang niligawan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa ako magbabalik muli ang aming pagkakaibigan. Apat kaming magbabarkada. Ang totoo nakisali lang ako sa kanilang tatlo. Magkakaklase sila, Si Gem ang nag-iisang babae at ang dalawang lalaki na sina Jr. at Mic, hindi nila tunay na pangalan. Klasmeyt ko lang sila sa isang subject sa Biology 1 dahil transferee ako sa kanilang school. Freshmen sila at irregular ang isked ko.

Una kong nakilala si Gem, maganda siya pero kalog. Parang lalaki nga rin kung kumilos. Ang akala ko nga member siya ng LGTB. Pero ayaw niyang aminin, babaeng babae daw siya.

Nang inaya nila akong mag-lunch, sumama ako dahil gusto ko ring makilala sila ng lubos. Ang gulo nilang tatlo kung mag-usap, biruan tapos away. Hanggang naging close ko na ang mga tropa. Laman talaga ng samahan nila ang mag-away.

Hindi ko alam na mag-boyfriend pala si Gem at Jr., sinimulan ko pa namang ligawan si Gem. Kapag wala pa si Jr. ay dumidiskarte na ako kay Gem. Inamin sa’kin ni Gem ang relasyon nila. Hanggang nalaman ni Jr. na nanliligaw ako.

Simula noon naging malamig ang pakikitungo ni Jr. sa akin. Hindi ko na nga kinakausap si Gem para hindi siya magselos, kaso bigla na lang siyang umiwas sa grupo. Nagi-guilty tuloy ako. Hindi ko talaga liligawan si Gem kung alam kong mag-bf na sila ni Jr. Ayaw na rin akong kibutin ni Gem at si Mic na lang ang kumakausap sa akin pero hindi na gaya ng dati.

Nakakapanghinayang talaga. Akala ko magiging masaya ako sa school na nilipatan ko at sa bago kong mga kaibigan pero sayang. Hanggang dito na lamang po sana po matulungan ninyo ako. Mahirap pala makibagay sa mga tao.

Maraming salamat po.

Louie

Dear Louie,

Hindi talaga natin malalaman ang ugali ng mga tao kung hindi pa natin sila matagal na nakakasama. Pero huwag ka agad mawalan ng pag-asa. Ikaw na ang nagsabi na magugulo sila. Subukan mo munang gawan ng paraan para magkaayos kayo.

Simulan mo kay Mic dahil ang sabi mo, siya ang nakikipag-usap sa iyo. Sabihin mo ang lahat at humingi ka rin ng despensa sa dalawa, kay Gem at Jr.. Hindi madali pero mas magiging malinaw sa inyo kung ang inyong sitwasyon.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with