^

Dr. Love

Bulag ang pag-ibig

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May nakilala akong dalaga na ubod ng ganda. Siya si Liza. Mahaba ang buhok na may ningning na taglay, makinis at maputi ang balat mula ulo hanggang sa mamulamulang talampakan at napakapungay ng mata. Mga matang hindi mo aakalaing walang liwanag dahil ipinanganak siyang walang paningin.

Ako nga pala si Damian, 24-anyos at binata pa. May girlfriend akong kinalasan nang makilala ko si Liza. ‘Yung girlfriend ko kasi ay masyadong liberated at nakikipag-date sa ibang lalaki. Matagal kong niligawan si Liza at napakasuwerte ko dahil sa dinamirami ng manliligaw ay ako ang kanyang napusuan.

Gayunman, ilang kamag-anak at kaibigan ang nagpapayo sa akin na baka magsawa ako pagdating ng araw. Maganda man daw si Liza ay baka mapagod ako sa pag-aalaga sa kanya.

Ngunit hindi alagain si Liza. Puwede siyang maglakad sa labas na ang dala ay tungkod at hindi siya naaaksidente. Mayroon din siyang trabaho sa isang rtw factory bilang mananahi. Pagpayuhan po ninyo ako kung dapat kong sundin ang payo ng aking mga kaibigan at kaanak?

Damian

Dear Damian,

Kung mahal mo siya, ke alagain siya o hindi, nasa wastong pag-iisip ka na para magpasya sa iyong sarili. Bakit susunod ka sa payo ng ibang tao kung sarili mong kaligayahan ang nakataya?

Gayunpaman, tiyakin mong mahal mo nga si Liza at hindi ka lamang naakit ng kanyang gandang taglay. Ang pag-ibig ay hindi bunga ng physical attraction lang. May mga taong umiibig sa mga salat sa ganda pero maligaya dahil tunay na pagsinta ang nadarama.

Hindi ako ang magdedesisyon para sa iyo kundi ikaw, Damian.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with