^

Dr. Love

Nasa huli ang pagsisisi

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mula sa pagkabata, pangarap ko nang maging elementary school teacher. Dahil dito, kahit mahirap kami, nagsikap ang aking ina bilang solo parent na itaguyod ang pag-aaral ko sa pamamagitan ng pagtitinda sa palengke.

Ako nga pala si Celine, 19-years old at first year irregular sa kursong BSEEd. Hindi ako makapag-full load dahil tumutulong ako sa pagtitinda ni nanay.

Sabi ni nanay, walang imposible sa pagtupad ng pangarap basta’t may pagsisikap at pananalig sa Diyos. Pinayuhan pa niya akong huwag munang makipag-boyfriend. Pero hindi ko nasunod ang bilin niya.

Nakilala ko si Edward at naging boyfriend ko siya. Masyado siyang mapusok at niyaya akong magtanan. Nang malaman ni nanay ang ginawa ko, na-stroke at ngayo’y paralitika na siya. Pinagsisisihan ko ang aking ginawa. Iniwanan pa ako ni Edward nang makuha ang gusto sa akin.

Ngayon, hindi ako makapag-aral dahil ako na lang ang nagtitinda sa palengke dahil ‘di na makagalaw si nanay. Dr. Love, minsan naisip kong magpakamatay na lang. Ano ang dapat kong gawin?

Celine

Dear Celine,

Hindi maitutuwid ang pagkakamali ng isa pang mali. Lahat ng tao ay nakakagawa ng ma-ling desisyon at walang masisisi kundi ang sarili. Palibhasa’y bata ka pa at nadala ka ng iyong kapusukan.

Malupit na guro ang karanasan dahil ibinibigay muna ang pagsubok bago ang aral. Sana’y nagtamo ka ng karunungan sa nangyari sa iyong buhay.

Huwag mong bawiin ang sarili mong buhay, kundi harapin ang bunga ng iyong pagkakamali. Matuto kang manalig sa Diyos at manalangin lagi upang tulungan ka Niyang magpasan ng bigat na nasa iyong balikat.

Kung mawawala ka, sino ang mag-aaruga sa iyong maysakit na ina? Maging matalino ka na matapos ang iyong masaklap na dinanas.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with