^

Dr. Love

Mahal ang nakakapanakit

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Habang nagbabasa ako ng mga letters sa column ninyo. Sobrang relate ako. Pati kasi ako nagtatanong bakit kung sino pa ang mahal mo ay siya pang magbibigay ng sakit ng kalooban natin.

Sinabihan na nga ako ng parents ko na huwag na akong pumasok sa isang relationship pero matigas ang loob ko.  Gusto ko kasi i-try na magmahal ng totoo. Wala, sinubukan ko lang naman magmahal ng totoo. Pero hindi rin pala magtatagal ang aming relationship.

Sayang talaga. ‘Yung mga araw na gumigising ako at babangon tapos kukunin ko ang cellphone ko, marami na palang miss call kasi ginigising niya ako para hindi ako malate. ‘Yung bigla na lang siyang  lumilitaw at may dalang surpresang bulaklak at chocolate. ‘Yung mag-aayang kumain sa labas at manonood ng sine. Tapos mamamasyal sa mall na minsan kahit walang budget.

‘Yung mag-aaway kami na wala namang dahilan, nagkapikunan lang sa maliit na bagay. ‘Yung selosan namin at tampuhan.

Ang akala ko, lahat ng ipinangako niya ay mangyayari. Tapos bigla na lang siyang nagpaalam. Mas priority daw niya ang parents niya pero ang bulong ng friends ko, may ibang babae na siya. Masakit talaga, Dok.

Bebelyn

Dear Bebelyn,

May mga tao tala-gang marupok. Hayaan mo na lang siya dahil kung talagang mahal ka ng lalaki, maninindigan siya. Magkahiwalay man kayo ay babalik siyang muli.  Mabuti nga hangga’t maaga ay napatunayan mong hindi siya maaasahan.

Hindi natin hawak ang desisyon ng ating mahal sa buhay. Lagi ko ngang sinasabi na ang pagmamahal ay hindi hinihingi, kundi kusang ibinibigay. Kung napagod man siya, nasa sa kanya na lang kung talagang may commitment siya sa iyo.

Don’t worry to much and don’t be sad. Kung may mga pangit na nangyayari sa ating buhay, may pagkakataong masu-surprise kang muli at may isang lalaking handa talagang mahalin ka nang lubos.

Dr. Love

 

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with