^

Dr. Love

Bading si Papa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagseselos ang girlfriend ko sa tatay niya. Dati kasing bading ‘yun. Nung mabuking ng mama niya ay naghiwalay na sila.

Malapit ang loob ng tatay niya sa akin dahil sa magandang pakikitungo ko sa pamilya nila. Kaso ayaw ng girlfriend kong lalapit ako at makikipag-usap sa papa niya.

Nung birthday ng papa niya, nakipag-inuman ako at nalasing. Hindi na ako nakauwi ng bahay, ang papa niya ang nag-asikaso sa akin. Lasing din ang gf ko, kaya akala niya ay may ginawang hindi maganda sa’kin ang papa niya. Simula noon ayaw na niya akong makikipag-usap at papuntahin sa bahay nila.

Nahihiya ako dahil mabait ang papa niya sa akin tapos parang wala pa kaming tiwala sa kanya. Ayaw ko namang magkahiwalay kami dahil sa selos na hindi naman dapat. 

Arvin

Dear Arvin,

Tama lang na sabihan mo ang gf mo na huwag pag-isipan ng masama ang tatay niya. Kahit naman siguro bading noon ay hindi ka papatulan ng tatay niya.  Ang isang tatay ay dapat nating galangin kahit ano pa man ang kanyang pagkatao. Ikaw naman ang makasasagot kung ano talaga ang nangyari noong oras na iyon.

Please lang ha, paano magiging maayos ang relasyon ninyo kung wala ang tiwala. Ito ang sabihin mo sa iyong gf.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with