^

Dr. Love

Sapatero

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pinoproblema ko ngayon ang pagtutol ng aking mga magulang sa pakikipagrelasyon ko kay Oyet na isang sapatero o nagre-repair ng sapatos. Ako nga pala si Glenda, isang college student at kalalabas ko lang noon ng bahay nang  matapilok at nabali ang takong ng aking high heels. Mahilig kasi akong mag-stiletto kapag lalabas ako para mag-shopping.

Tamang-tama, ilang hakbang pa lang ako mula sa gate ng aming bahay nang dumaan noon si Oyet na sumisigaw ng “gumagawa ng payong, sapatos.”

Bata pa si Oyet at good looking. Sa tingin ko ay  magka-edad lang kami.  Minsan, nagulat ako dahil inaabangan pala niya ako sa kanto. Makisig siya at maganda ang kasuotan. Nag-aaral pala siya ng industrial engineering. Niyaya niya akong magmeryenda sa isang fastfood chain. Hinangaan ko siya dahil nagsisikap siya sa buhay. Hindi naging mahirap kay Oyet ang panliligaw sa akin at agad ko siyang sinagot.

Nang malaman ito ng aking mga magulang, pinagsabihan akong makipag-break kay Oyet at kung hindi, hindi na raw ako pag-aaralin. Sinabi ko ito kay Oyet, kaya ipinasya naming mag-communicate na lang sa text at papaniwalain ang aking mga parents na wala na kami. Tutal, isang taon na lang at graduating na kami. Pero matagal para sa amin na hindi magkita nang isang taon at puro text lang. Ano ang dapat kong gawin?

Glenda

Dear Glenda,

Ang dapat mong gawin ay sumunod muna sa iyong mga magulang. Kung tunay kayong nagmamahalan ni Oyet, tama ang ginagawa ninyo. Keep your relationship a secret at magkasya muna kayo sa text-text.

As you said, isang taon na lang ay graduate na kayo. I’m sure, kung pareho kayong tapos na ng kurso ng boyfriend mo, hindi na tututol ang iyong mga magulang lalo na kung may trabaho na kayo. Iyan lang naman ang nais ng sino mang magulang, ang malagay sa magandang estado ang mga anak.

Masuwerte sila na magkaroon ng manugang na marunong mag-asikaso at magtaguyod ng sariling edukasyon. Dahil may katiyakan na mapupunta sa mabuting mga kamay ang anak nila.

Sige. Text-text muna basta ingatan mo lang na huwag mababasa ng iyong mga magulang.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with