^

Dr. Love

Si Vir at ang beer

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mabait at uliran si Vir, boyfriend ko siya. Nagkasundo kaming huwag munang magsama hanggang sa makapagtapos siya ng college. Alam kong nakataya ang aming magandang future sa kanyang pag-aaral.

Ako si Trisha, 20-anyos at matanda ako ng isang taon kay Vir. Wala akong maipipintas sa kanya, maliban sa isang bagay: madali siyang mahikayat ng mga kabarkada sa mga inuman.

Pinagsabihan ko na siya na layuan ang mga lasenggo niyang kabarkada pero matigas talaga ang ulo. Minsan, sinugod ko silang magka­kabarkada sa beerhouse. Pinagmumura ko ang kanyang tropa at pinilit kong umuwi na sa kanila si Vir. Habang nasa daan, suka siya nang suka at akong babae ang umalalay sa kanya. Nagmukha tuloy akong patay na patay sa kanya, kahit totoo naman na mahal na mahal ko siya. Nagpasalamat sa akin ang mga magulang niya, pero kinabukasan, galit na galit si Vir sa akin. Ipinahiya ko raw siya sa mga kabarkada niya. Hindi pa man daw kami kasal ay inaander ko na raw siya.

Isang linggo na kaming hindi nagkikita. Dapat ko pa bang ipagpatuloy ang relasyon sa kanya? May two years na kaming engaged at balak naming magpakasal kapag gumradweyt na siya. Pagpayuhan mo po ako.

Trisha

Dear Trisha,

Kung nananatili siya sa masama niyang bisyo, masakit man ay makipagkalas ka na sa kanya. Pero  warningan mo muna siya. Alin ang mas importante sa kanya, kabarkada o ikaw? Kapag pinili niya ang “beerkada“ that’s it. Game over na. Ngunit kung mangangako siyang magbabago, give him another chance, pero subukan mo muna siya kung talagang lalayuan niya ang kanyang mga lasenggong kabarkada, bago ka pumayag na ituloy ang kasal. Maraming relasyon ang nasira dahil sa ganyang masamang bisyo, kaya maniguro ka.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with