^

Dr. Love

Hello Kitty fan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Naiinis lang ako sa misis ko kasi hanggang ngayon ang hilig niya kay Hello Kitty.

Lahat na yata ng collection ni Hello Kitty meron kami. Sa buong bahay namin panay Hello Kitty, Simula sa pintuan hanggang sa banyo namin, walang nakaligtas na space.

Noong magkasintahan pa lang kami, okay lang! Ako pa nga ang bumibili at nagreregalo sa kanya. Kaso ngayong may dalawa na kaming anak, Hello Kitty pa rin. Minsan nga nagtatampo pa siya kapag hindi ko nabili ang nagustuhan niyang Hello Kitty- toothbrush, wallet, bag, mug, pinggan at marami pang iba.

Pati nga mga anak namin pinangalanan niya na Kitty Marie at ‘yung lalaki ay Dear Daniel naman, ‘yung partner ni Hello Kitty. Natatakot nga ako kapag manganganak ang misis ko. Kasi baka maging kamukha ni Hello Kitty, walang bibig. Dapat talaga Hello Kitty ang pangalan ng babae kaso hindi pumayag ang paring nagbibinyag. Dapat daw may Christian name. Kaya Kitty Marie.

Nag-usap na kami kasi naumay lang ako. Halos napapanaginipan ko na si Hello Kitty. Para kasing lagi kaming bata. Kapag may bisita ako, hindi ko alam ang nasa isip ng mga bisita ko. Ang problema ko pa, ang pangalan ko Raymond. Tinutukso tuloy ako ng mga kapitbahay namin ng Doraemon.

Raymond

Dear Raymond,

Natuwa naman ako sa ibinahagi mo. Anyway ganoon talaga, may mga nakalakihan tayong mga cartoon character na minsan ayaw natin mawalay sa buhay natin. Maaaring nai-inspired ang misis mo kapag nakikita ang itsura ni Hello Kitty.

May mga kwento-kwento na masama raw ang pinanggalingan ni Hello Kitty at hindi siya pusa. Pero ang mahalaga nagiging positibo ang buhay ninyo.

Hindi mo na maiaalis sa misis mo ang pagkahilig niya kay Hello Kitty. Ang maganda, maging suppor-tive ka sa kanya.

DR. LOVE

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with