^

Dr. Love

In love dahil sa bulalo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahilig ako sa food trip, hindi ko akalain na ang minsang pagkadiskubre ko sa masarap na bulalo somewhere in Bulacan ay magiging daan din para makakawala ako sa paghinalang bading, matapos kong makilala ang dalagang nagdudulot ng kakaibang kabog sa dibdib ko.

Napaisip din ako, baka kako nagayuma ako o baka naman nag-blend lang talaga ang sarap ng bulalo at ang sarap nang pakikitungo niya sa akin. Natatawa lang ang mga kapamilya ko, matagal na kasi nila akong hinahanapan ng gf at napag-iisipan na rin na isang bading.

Ang problema, takot akong manligaw, Dr. Love.  Tulungan mo naman ako, baka kasi paglaruan lang niya ang nararamdaman ko. 

Arvie

Dear Arvie,

Mas mabuting kilalanin mo muna  ng mabuti ang prospect mong ligawan. Kaibiganin mo pa siya and in matter of time na hindi magbago ang feelings mo para sa kanya, ituloy mo ang balak na manligaw.

Sadyain mo siya sa mismong bahay nila nang sa gayon ay maipakita mo ang malinis mong intensiyon sa kanya. Naniniwala ako na sa sandaling makita niya ang tapat mong hangarin, may pag-asa na makuha mo ang matamis niyang “oo” niya. Goodluck sa’yo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with