^

Dr. Love

Eskandalo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po Dr. Love, my one and only favorite love counselor on the print media. Tawagin mo na lang akong Starlight.

Ako po ay 26-anyos at mayroong boyfriend na may asawa. Itago mo na lang siya sa pangalang Tom. Lihim ang relasyon namin pero sabi nga, walang sikretong hindi nabubunyag.

    Sa isang lihim naming tagpuan lagi kaming nagkikita ng boyfriend ko. Pero malas lang dahil sinugod kami bigla ng misis niya at agad akong sinampal, dinuraan at sinabunutan. Napahiya ako sa maraming tao.

Dahil dito ipinasya naming dalangan ang aming pagtatagpo. Nagpasya ako na makipag-break na sa kanya dahil walang kahihinatnan ang aming relasyon. Ayaw niya at niyakap ako ng mahigpit.

Iresponsable raw ang asawa niya at pinababa-yaan ang kanilang mga anak. Naaawa ako sa kanya. Mahal ko rin siya.

Ano ang dapat kong gawin?

Gumagalang,

Starlight

Dear Starlight,

Sa mata ng Diyos at sa batas ng tao, mali ang kataksilan.

Dalawang bagay lang ang maaari ninyong gawin. Maghiwalay o magpa-annul ang boyfriend mo para malaya siyang makapag-asawang muli.

Sa patuloy ninyong pagtatagpo, hindi malayong ipagharap kayo ng kaso ng kanyang asawa  at puwede kayong kapwa mabilanggo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with