^

Dr. Love

Quit na sa pambobola ng bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ms. Lonely na lang po ang itawag n’yo sa akin. Napakapresko ng naging boyfriend ko, pero aaminin ko na ayaw ko sana siyang mawala sa akin dahil mahal ko siya. Pero parang inabuso niya ang kahinaan ko.

Ang galing niyang mambola. Lahat nang iniuutos niya sa akin ginagawa ko. Ako ang gumagawa ng mga assignment, project at research niya. Ang tindi po, ‘di ba?

Sinabihan na nga ako ng mga kaibigan ko at mga klasmeyts na ginagamit lang daw niya ako para makapasa siya, pero ang totoo hindi raw talaga ako mahal ng bf ko. Ayaw kong maniwala sa kanila. Kaya ko naman ang mga pinagagawa niya.

Ang hindi ko lang matanggap, hindi niya pinaalam sa akin ang mga lakad niya. Hinahayaan ko siya dahil may tiwala ako. Pero biktima ako ng kayabangan at pambobola niya. Hindi ko naman nilalahat na mambobola ang mga lalaki. Pero talagang meron lalaking ganun… akala ko lang wala.

I decide to quit sa relationship namin nang sabihin niyang hindi naman niya ako pinilit na gumawa ng mga assignments niya at research. Kaya naman daw niya iyon at pwede nga kahit wala ako.  Sobrang nasaktan  ako, kahit biro lang iyon.  Dahil napupuyat ako at  minsan nalilipasan ng gutom para lang makaabot sa deadline ang pinagagawa niya.

I hate him for doing that to me. Sana makatapat siya ng babaeng magpapahirap naman sa kanya.

Ms. Lonely

Dear Ms. Lonely,

May mga lalaking kapag nanliligaw, masipag, mabait at maamo. Pero kapag sinagot na, ikaw naman ang papahirapan.

Dapat maturuan ng leksyon ang ganitong lalaki. Hindi ako si Tulfo, pero sino ba naman ang hindi magagalit sa mga ganitong tao. Ginawa na ang lahat tapos nagmamalaki pa?  Sa totoo lang, ikaw dapat ang bigyan ng grade dahil ikaw ang naghirap sa assignments , projects at research, hindi ang bf mo. 

Anyway  maraming salamat sa iyo, Ms. Lonely. Sana huwag tularan ng ibang mga kalalakihan ang gaya ng bf ni Ms Lonely. Isipin mo na lang na kung ano ang itinanim ay aanihin mo rin.

DR. LOVE

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with