^

Dr. Love

Amang may sakit, dapat bang masunod?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mapayapang araw sa inyo. Tawagin mo na lamang akong Emma, 23-anyos. Ako’y wala nang ina dahil pumanaw na at ang nabubuhay na lamang ay ang aking itay na may malubhang sakit.

May kasintahan ako pero tutol ang aking maysakit na ama. Aniya, hindi siya matatahimik sa kabilang buhay kung ang boyfriend ko ang makakatuluyan ko. Makipag-break daw ako sa kanya.

May ibang lalaki siyang gusto para sa akin. Ito ang anak ng kanyang best friend at kum-pare. Ayaw ko sa lalaking ito dahil mayabang. At sinabi na rin nang inireretong lalaki ng aking itay na wala rin siyang gusto sa akin. 

Pero may kasunduan daw si itay at kanyang best friend na nauna nang namatay sa kanya. 

Mahal ko ang aking ama at kung susuwayin ko siya, nag-aalala akong baka hindi matahimik ang kanyang kaluluwa. 

Tulungan mo ako, Dr. Love. 

Emma

Dear Emma,

Kailanman, hindi dahilan ang malubhang karamdaman para kontrolin ng isang magulang ang pasya ng anak lalu pa’t may kinalaman sa pagpili ng mapapangasawa.

Ang tanging magagawa ng magulang ay magbigay ng payo pero anak pa rin ang masusunod.
Hindi kasalanang labagin ang gusto ng magulang kung suliranin sa puso ang pag-uusapan. 
Nasa iyo ang huling desisyon. Sino ang pipiliin mo, ang gusto ng iyong ama o ang itinitibok ng iyong puso? 
Alalahanin mo, ang kasal ay panghabambuhay. Kung magpapakasal ka sa lalaking hindi mo gusto, kaligayahan mo ang mapapariwara. 

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with