^

Dr. Love

Iniwan, binabalikan, gustong ituloy ang kasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang akala ko sa telenobela lang ang mga istoryang handa na kayong magpakasal, tapos biglang may aberyang mangyayari. Ganito ang nangyari sa love life ko.

Nakilala ko sa Cebu si Mario, matagal din kaming mag-boyfriend. Tahimik lang siya at napakasimpleng tao. Ganito ko siya nagustuhan. Nagkaayaan na kaming magpakasal. Halos apat na buwan ang aming paghahanda. Simula sa simbahan, sa mga ninong at ninang hanggang sa mga pagkaing ihahanda namin. Kung ilang baka at kambing, at mga alagang manok ang kakatayin.

Hindi ko alam na may plano pala siya. Matapos ang apat na buwan na paghahanda, ilang araw lang bago ang araw ng kasal namin, umalis siya at naglahong parang bula, kahit ang mga kamag-anak niya, wala na rin sa tinitirhan nila.

Sobrang sakit, akala ko nga hindi ko na malalampasan.  Isang taon ang mabilis na lumipas at sumulpot siya. Ngayon, gusto niyang makipagbalikan. Hindi lang ang mga kamag-anak ko, kundi maging ang pari na dapat sana ay magkakasal sa amin noon ay gustong ituloy namin ang kasal. Ipinaliwanag ni Mario ang lahat sa akin. Kaya raw siya lumayo dahil naghanap siya ng magandang hanapbuhay sa Maynila. Ngayon wala na raw ang takot niya. At kaya na niyang harapin ang magiging kinabukasan. Pero ako, dalang-dala na sa kanya. Nawala na ang pagmamahal ko sa kanya at napalitan ito ng galit.

Luz

Dear Luz,

Tunay na hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyang sitwasyon, Pero huwag mong ikumpara ang sarili mo at si Mario sa iba. Kayo ang dapat gumawa ng paraan para magkasundo kayo. Kung tanggap naman ng lahat si Mario, bakit hindi na ba pwedeng patawarin mo siya?

Bahagi ng pag-ibig ang pagpapatawad. Minsan nga maituturin mong ganap ang pag-ibig kung  kaya mong tanggapin hindi lang kung ano ang mabuti sa isang tao, kundi pati na ang mga kahinaan at kakulangan niya.

Baka naman pwede mong buksang muli ang iyong puso para kay Mario. Maging tapat ka sa iyong sarili. Ikaw pa rin at si Mario ang makaaalam kung ano ang hangad ng inyong mga puso.

Maraming salamat at patnubayan kayo ng Maykapal.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with